chapter 20

66 3 0
                                    

Jhace's POV

Mabilis lang ang biyahe ko papuntang gateway dahil sa sumulong highway ako nagdaan. Pagdating ko sa restaurant na sinabi ni Spade nandoon na siya.

He smiled at me when i sat down and I smiled back. Namili muna kami ng order bago kami nagusap.

"Spade, may i know your full name?"

"Its Spade Lhocke Cervantes, why?"

May Lhocke din siya sa pangalan niya? Pareho pa sila ni Jelho. Hindi lang to coincidence.

"A-are you....s-somewhat related to Jelho Cervantes?"

Tila nagulat siya sa tanong ko. Marahil hindi niya inaasahan.

"He's my cousin...how did you know him?"

Related nga sila! Sigurado alam niya kung nasaan si Jelho.

"I'm his gf"

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya dahil blangko ang mukha niya.

When I'm about to break the silence biglang dumating na yung order namin.

"Let's eat" pag aya niya sa akin. Tahimik lang ako kumain kahit gustong gusto ko ng itanong kung nasaan na nga ba talaga si Jelho.

Nang matapos kami kumain siya ang unang nagsalita.

"Let's go somewhere where we can talk about this over."

"O-okay...Idrive ko na lang yung kotse ko"

"No, i'll drive and you ride on my car"

"What? Pano yung kotse ko?"

"Pwede mo namang iwan muna dito eh. Then idadrive ko papunta sa bahay mo bukas."

"Okay sige. Tara na para makauwi agad ako ng maaga."

***********

Naglalakad lakad kami sa Marikina Riverbanks. Madami talagang tao pag malapit na ang pasko. Ang ganda ng repleksyon ng ilaw sa tubig. Nako! Muntik ko na makalimutan ang itatanong ko sa kanya.

"Spade.." Huminto ako sa harap niya.

"Hmm?" tumingin siya sa akin.

"Pwede ko bang malaman kung nasaan si Jelho? Ang sabi niya noon magpapagamot lang siya sa Amerika pero tatlong taon na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Ayaw naman sabihin sa akin ng mama niya kung nasaan siya dahil ayaw daw ipaalam ni Jelho kung anong lagay niya. Spade, i want to see him. Ang tagal ko ng naghihintay sa kanya. Please sabihin mo sa akin"

Diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko.

"Gusto mo ba talagang malaman kung ano ng lagay ni Jelho?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa malalaman ko. Parang may hindi tama sa kung anumang sasabihin ni Spade.

"Jhace....i don't think magugustuhan mo ang sasabihin ko..but he's dead 2 years ago pa."

Napamaang ang bibig ko at pakiramdam ko hindi ako makahinga. Nagikot ang paningin ko at nawalan ako ng panimbang. Unti unting nagdilim ang paningin ko.

BLACKOUT

**********

Pag gising ko nasa hospital na ako. Lumapit agad si Spade.

"Jhace, are you okay? " puno ng pagaalala si Spade.

"S-spade...samahan mo ako k-kay Jelho. Please.." My tears are slowly falling down from my eyes. Di ko matanggap ang nangyare. Naghihintay na pala ako sa wala. Ang sabi niya magpapagamot lang siya.

"Sige. Bukas na tayo pumunta.Buong isang araw kang walang malay. Magpahinga ka muna sa ngayon. Pwede ka naman na daw lumabas once magising ka eh."

I hug him and let out my sobs and tears. Napakaunfair naman!  Hindi niya sa akin sinabi agad ang lahat.

**********

Nagdala kami ng bulaklak ni Spade para sa puntod ni Jelho. Ng makarating na kami kung saan siya nakalibing di ko na naman napigilang maiyak.

"Jelho...Ang sabi mo sakin babalik ka, sabi mo magpapagaling ka sa Amerika..A-ang sabi mo..."i cry again..."Ang sabi mo...Hindi mo ako iiwan!"

"Jhace tam na yan" Hinawakan ako ni Spade sa balikat. Nanghihina ang mga tuhod ko. Bago pa ulit ako mawalan ng panimbang niyakap ako ni Spade. Hindi ko nararamdaman ang katulad ng kay Jelho pag kayakap ko siya noon. Pero kumportable ako sa kanya.

"Jhace, ilabas mo lang lahat ng lungkot na nararamdaman mo. Pwede mo akong maging sandalan hanggat di mo kayang tumayo ulit" ang bait sa akin ni Spade. Kaso lang talaga hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya. Masaya ako sa kanya pero di ko nararamdaman yung ibang saya pag si Jelho ang kasama ko.

Kung Ako ba Siya...Mapapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon