chapter 5

92 4 0
                                    

Mazer's POV

"SURPRISE!!! HAPPY GRADUATION DAY!"

Wow with confetti effect pa..unexpected talaga. Di ko akalain na mga kaibigan ko pa makakasama ko magcelebrate ngayong graduation ko. Nakita ko agad si Jhace. Halata namang masaya siya para sa akin.

Unti unti siyang lumapit sa akin at inabot ang isang regalo.

"Happy graduation day panget! Ingatan mo yan ah pinagipunan ko yan"

"Wooo..talaga lang ah.Ikaw pa mag ipon?  But dont worry iingatan ko to kahit ano pa to. Thank you"

"Naku lika na nga kumaen muna tayo. You have a lot of things to tell me Maze" sabi niya sa akin

Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Ano kaya yung mga bagay na tinutukoy niya?  Marami ba akong sasabihin? Magpapaalam lang naman ako sa kanya ah.Hay nako mamaya na nga yun.

Nagsimula na kaming kumain. Masayang nagkukwentuhan mga barkada ko. Mamimiss ko tong mga to once umalis na ako. Napatingin ako kay Jhace na kumakain pa din.

Mamimiss ko siya. Her face, her voice, the way she smiles, the way she looks at me, the way she tells me the word panget, the way we pisses each other. Lahat lahat about her mamimiss ko.

Sana pagbalik ko maging akin ka na. Sana ako na nasa pwesto niya. Sana....Sana ako na mahal mo...

Bigla siyang napatingin sa akin na para bang binabasa ang nasa isipan ko.

"Are you ready to share what you're thinking right now? Tara sa terrace" pag aya niya sa akin dahil tapos na siya kumain.

Sumunod naman ako sa kanya. Pagdating namin doon umupo kami sa upuan na naroon. Tahimik lang kaming dalawa.

" Now Mazer, why didn't you tell that you're leaving?"

"Sasabihin ko naman na sayo ngayon eh. Nalaman mo lang ng mas maaga."

"Yeah Brick told me."

" Next week na ang alis ko."

"Ang bilis naman? Kakagraduate mo lang ah."

"Kelangan eh. Madami pa ako aasikasuhin pagdating ko dun"

"Ganon ba."

Katahimikan ulit ang bumalot sa aming dalawa.After a few minutes she is the first one to break the silence.

" Babalik ka pa ba? "

" Gusto mo pa ba akong bumalik? "

Napatingin siya sa akin.

"What a stupid question Mazer? Of course i wanted you to come back!"

"Why? Sa anong dahilan?"

"Siyempre kaibigan kita. And hindi mabubuo ang barkada niyo kung wala ka"

"Yun lang ba talaga ang dahilan Jhace?"

"May iba pa ba?"

"Hihintayin mo ba pagbabalik ko?"

"Of course we will wait for you"

"Hindi kayo ang tinatanong ko Jhace..ikaw lang.Hihintayin mo ba ako?"

"Spill it out Maze. Ano ba talaga gusto mong sabihin? "

"Jhace.....i think this is the right time to tell you about this."

"What do you mean? Come on wag ka ng paliku liko pa Mazer"

"Jhace....I love you..."

Finally nasabi ko na din sa kanya ang nararamdaman ko. Mukang nagulat siya sa sinabi ko. Nakatingin lang kami sa isat isa.Di ko malaman ang iniisip niya..para akong matutunaw sa tingin niya.Awkward naman -_-"

Jhace's POV

"Jhace....I love you...." huh? may sinabi ba siyang ganun?  Para akong napako sa kinauupuan ko. Totoo ba to? Tsaka lang ako nakapagsalita nung matauhan ako.

" Mazer, ano na naman to? Are you fooling around again? We are seriously talking here"

"Do i look like im kidding?"

Walang bakas ng pagbibiro ang mukha niya.

"But Mazer, alam mo namang di ko maibabalik yang pagmamahal mo. At isa pa parang ate mo na ako"

" Kelan ba kita tinuring na ate ko? Since the day we met i never treated you as my older sister Jhace."

"Mazer...alam mo naman kung ano lang ang tingin ko sayo. Isa pa may bf ako."

"Im aware of that. Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo din ako eh. Ang mahalaga lang, nasabi ko sayo to."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Puro sinseridad ang nakikita ko sa mga mata niya walang halong biro.

Parang nakaramdam ako ng pagkailang.

" Wag ka mailang sa akin Jhace. Sinabi ko lang sayo ang nararamdaman ko pero ako pa rin to. Yung Mazer na makulit, lagi kang inaasar...Pero may nadagdag lang na bago. Yung Mazer na mahal ka na higit pa sa kaibigan"

Tiningnan ko siya. Nginitian niya ako pero mababakas sa mata niya ang konting lungkot.

"Im expecting you next week ha. Gusto kita makita sa airport bago ako umalis."

Tumango na lang ako bilang sagot. Pababa na siya ng bigla siyang tumingin ulit sa akin.

"By the way Jhace...thanks sa gift. I appreciate it. Bye panget!" at nagwink pa sa akin si loko.

Pilit kong iwinawaksi sa isip ko yung mga sinabi niya pero talagang di mawala. Ngayon ko lang siya nakausap ng matino kaya naman mahirap maniwala sa kanya. Pero iba ang aura niya kanina eh. This day i felt something towards him but i cant explain it. Di ko alam kung ano yun. But i know for sure pag umalis siya...a big part of me will be missing too.

Kung Ako ba Siya...Mapapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon