chapter 12

78 3 0
                                    

Jhace's POV

15mins na siguro ang lumipas bago niya ihinto ang kotse sa tapat ng isang malaking......ANCESTRAL HOUSE?!

"Beb?" tumingin ako sa kanya na may pagtatanong sa mga mata ko. "Anong ginagawa natin dito?"

"Bumaba na muna tayo beb saka ko sa'yo ipaliliwanag."

Pagbaba namin may inilabas siyang susi galing sa bulsa niya. Binuksan niya yung pintuan ng bahay. Pumasok kami sa loob. Walang tao pero kung titingnan mo yung bahay hindi naman napapabayaan.

"Tara sa itaas" iniabot niya sa akin ang kamay niya.

Habang umaakyat naman kami sa hagdan nililibot ko naman ang mata ko sa kalakihan ng bahay na ito. Ang daming kuwarto sa itaas. Pumasok kami sa isang malaking kuwarto. Kumpleto ito sa kagamitan. Kala mo buong isang bahay na tong kuwarto.

"Master's bedroom ito.Nagtataka ka siguro kung kaninong bahay to.Sa lolo at lola ko to.. ang laki no?"

"Kung ganon nasan na sila?"

"They died 10 years ago. Sila nagpalaki sa akin kaya tumira na din ako dito dati. Without letting me know, pinamana pala nila sa akin tong bahay. Kelan ko lang nalaman."

"Wow they must really love you so much"

"Yeah they really do. Tara sa terrace I'm. sure mas magugustuhan mo dun"

Yun lang ang tanging kuwarto na may terasa. Paglabas namin sa terrace agad akong namangha.

"Wow.....Its.....breathtaking...." yun na lang ang nasabi ko sa nakita ko. Sobrang ganda ng view. Makikita ang mga nagkikislapang mga ilaw na nanggagaling sa mga nagtataasang gusali sa malayo. At ang presko ng simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko.

"How do you like it?"tanong niya sa akin. He hug me from behind

"I dont like it. I love it"

Di ko maipaliwanag ang pakiramdam. Sobrang gaan na parang nawawala lahat ng iniisip ko.

He started planting small kisses on my neck. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan. Humarap ako sa kanya para sana itigil niya yun pero bigla niya akong hinalikan sa labi.

I remembered when i was younger my mommy told me that when the time comes when the right person kisses you, you'll feel that its always like the first time, you hungered for it like its the last. Its magical.

Alam ko kinilig ako the first time Jelho kissed me. This time i dont know why i didn't feel like its our first time....i didn't hunger for it like its the last..and it didn't feel magical.

His hands are starting to roam my body pero bago pa dumako ang kamay niya sa hindi dapat mahawakan pinutol ko na yung halik.

Tumingin siya sakin na tila nagtatanong kung bakit. "Jelho..its not the right time for this"

"Why? Dito din naman tayo pupunta Jhace di ba?"

Nagulat ako sa sagot niya.Hindi ko ineexpect sa kanya yun dahil di naman siya ganitong kapusok dati.

"Jelho, are you hearing yourself?!"

"Jhace kung ano man ang mangyare ngayon pananagutan ko naman eh. Isa pa anniversary naman natin ngayon di ba?"

"So what kung anniversary natin? Grabe ka Jelho! I thought you are different! Pero tulad ka din ng ibang lalake! Ihatid mo na lang ako hanggang sa high way. Dun na lang ako magtataxi."

"Beb naman, anniversary natin ngayon. Don't spoil it!"

"Spoil your face! Ikaw sumira ng gabing to!"

Dali dali akong lumabas ng bahay. He tried to hug me pero di ako nagpatinag. Ang baba pala ng tingin niya sa akin. Kapal ng mukha!

"Jhace! Magusap tayo!"

"Wala na tayo paguusapan pa! Were done here!"

"Jhace please! Don't do this to me!"

Takbo at lakad ang ginawa ko. Thank God may dumaan na taxi. Pinara ko yun at sumakay ako agad. Nakita ko pa sa salamin na hinahabol ni Jelho itong taxi na sinasakyan ko at mangiyak ngiyak.

Sinabi ko sa driver kung saan ako ibababa. I started crying while the taxi continues to move. Bakit naman ba nangyare saken to. Sa anniversary pa talaga? Masakit isipin na katulad din pala sa ibang babae ang tingin niya sa akin.Tinext ko si Brick na abangan ako sa gate namin.

Ng makarating na ako sa bahay inabot ko sa driver yung bayad. Di ko na kinuha yung sukli bumaba ako agad ng taxi. Pagbaba ko sinalubong agad ako ni Brick sa gate.

"Oh ate akala ko kasama mo si kuya Jelho?"

"If ever na tumawag o magpunta siya dito tell him na ayoko muna siya makausap"

Sinabi ko yun habang tuloy tuloy lang ako naglakad papasok ng bahay. Nung nasa kuwarto na ako i burst out crying. Dapat pa ba ituloy tong relasyon na to? I know I love him pero bakit parang ayoko ng bumalik.

There's something wrong with him kaya niya siguro nagawa iyon. But what is it? I have to talk to him. But not now hindi pa ako handang makinig. I sleep that night with deep thoughts and wishing that someone would comfort me in my dream.

I miss that someone, who would always paint a smile on my face when im sad. I wish Mazer is here to comfort me. I miss him. I really do.

Kung Ako ba Siya...Mapapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon