chapter 9

78 5 0
                                    

Mazer's POV

"You love her don't you?"

Di ko inaasahan na tatanungin niya ako ng ganon. He caught me offguard at first pero nakabawi din ako agad.

"I do..so do your best just to keep up with her pace."

"Just what i thought. So may balak kang agawin siya? Ngayon palang sinasabe ko na sayo wala kang magagawa."

"How sure are you?"

"So wanna put up a fight just to get her?" biglang sumeryoso ang kaninang nakangiting mukha niya

"Nah...di ako nakikipag agawan sa bagay na ayokong masira at mahalaga sa akin. At isa pa hawak mo na siya. Just make sure to win her heart everyday and put up a smile on her face while im away..Coz when i get back at malaman ko na di mo nagawa, im sure as hell i'll be the one to do it." pagkasabi ko nun sa kanya tinalikuran ko na siya.

Maya maya dumating na si Jhace.

"Oh pano guys...pasok na ako sa loob" paalam ko sa kanila.

Lumapit ako sa mga barkada ko at isa isa ko silang niyakap. Panghuli si Jhace. Niyakap ko siya ng medyo matagal.

"I'll miss you" sabi ko sa kanya nung maghiwalay kame sa pagkakayakap. I kissed her on the forehead. Habang ginagawa ko yun tumingin ako ng makahulugan sa bf niya. I saw him grit his teeth but i just gave him a smirk as a response.

"I have to go na guys! Magsiuwi na din kayo. Ingat kayo ah."

"Sige tol! Ingat ka din! Call me up once you get there." sabi ni Brick.

"Sige..Bye!" Huling paalam ko sa kanila.

~~~~~

Andito na ako ngayon sa airplane when i remembered Jhace gave me something a while ago. I decided to open the bag. Pagbukas ko Isang box na hugis rectangle. Parang isang ruler ang haba nito. Binuksan ko ito. I was amaze by this thing..Isa siyang glass box na makapal. Kahit siguro mabagsak to di mababasag agad. May laman ito na preserved iris sa loob.

I was too amaze kaya di ko agad napansin na may papel sa loob. Binasa ko yung nakasulat.

All the buyers of this souvenir didn't notice that the glassbox is on its sideward position so you'll see only one Iris. But if you turn it to its front or back position you'll see the true number of Iris inside.This is what the number of Iris means:

1: You are a true friend to me

2:  I will always treasure you

3: I care for you

4: I will miss you

5: You are important to me

6: I love you

I turn the glass box into its front position and started counting the Iris inside the glassbox. Hulaan niyo kung ilan?

Five lang T.T... being important to her? Im happy to know that but im a bit disappointed. Itatabi ko na sana yung glassbox nung may mapansin akong isang iris sa likod ng lima pa...I was very shocked. I put it inside the bag to keep it safe.

The smile never leaves my lips hanggang nakatulog na ako.

Jhace's POV

Andito ako ngayon sa kotse ni Jelho. Nakatingin lang ako sa kalsada.

"Lalim ng iniisip mo ah. Baka mapagod ako niyan"

Napangiti ako sa biro niya. It remind me of someone.

"Nothing..its just im tired"

"Yun lang ba talaga?"

"May iba pa ba beb? Pagod lang ako..yun lang yun."

We arrived at the house. Bago ako bumaba ng kotse i gave him a smack and bid him good night.

Andun na sila Brick pagpasok ko sa loob kasama ang mga kaibigan niya. Tataas na sana ako sa kuwarto ng biglang nagsalita si Brick.

"Kalungkot noh? Wala na si Mazer."

Yun lang ang naintindihan ko sa pinagusapan nila dahil nakaramdam ako bigla ng lungkot kaya tumaas na ako sa kuwarto ko. I bit my lower lips and find myself crying. Mamimiss ko siya ng sobra.

Kung Ako ba Siya...Mapapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon