chapter 25

76 3 0
                                    

Jhace's POV

"Uy, girl balita ko nagdate kayo ni Spade nung isang gabi? So how was it? Sasagutin mo na?" tanong sa akin ni Letty

"Date lang, sagot agad? Hindi ba pwedeng friendly date lang?"

"Kelan pa naging friendly date kapag ang kasama mo eh yung manliligaw mo? Hello?!"

Napailing na lang ako. " Ikaw babae ka mas excited ka pa sa akin. Ikaw na lang kaya makipagdate sa kanya noh?"

"Kung pwede lang eh at kung ako lang ba inaya niya noh why not? Aba big catch kaya si Spade. Mayaman na, Engineer na at higit sa lahat gwapo pa. Ano pa ba kulang sa kanya girl?"

"I don't know, basta alam ko lang hindi siya ang para sa akin"

"Hindi talaga siya, because that would be me Jhace" nagmula sa likuran namin ni Letty kaya sabay kami napalingon. 

Siniko ako ni Letty. "Si Dr. Angeles pala, don't tell me  manliligaw mo din?" mahinang sabi sa akin ni Letty.

"Hey, I'm not courting her"

"Rinig mo na? Hindi siya nanliligaw because Dr. Angeles is my-"

"Fiance" pagputol niya sa sinabi ko

"Oo tama yun nga" ha? "I mean no! Hindi kaya kita fiance!"

"Anong hindi? Kalat na kaya sa buong hospital na fiancee kita" he smirked

"What?!" Paano nangyare yun?

"Uy Girl, ikaw naglilihim ka na sa akin ah" may patampong sabi pa nitong si Letty.

"At naniwala ka naman sa unggoy na to?! DUhh!!"

"Aba, suwerte ka na nga sa akin noh, ang fiance mo guwapo na, mayaman, at edukado pa. Yung ibang babae nga hinahabol habol ako para lang ibigay ko sa kanila ang last name ko sa'yo inooffer ko na tinatanggihan mo pa?"

"At bakit? Gusto ko bang makuha last name mo?! Iyo na yan noh! iyong iyo!"

"Matagal ko ng hawak to eh, nagaantay na lang ng kashare. Ikaw napili ng surname kong Angeles eh kaya wala ka magagawa"

"Alam mo di ka pa rin nagbabago! You're the same Mazer i used to know. Mayabang ka pa rin"

"Yeah and you're also the same old Jhace I used to know. Maganda ka pa rin"

Feeling ko biglang naginit ang mga pisngi ko sa sinabi niya. 

"Uy girl, nagbablush ka" singit ni Letty kaya napahawak ako sa mukha ko para itago ang pamumula ng pisgi ko.

"Its okay to blush Ms.Rivera, ikaw ba naman makaharap mo ako hindi ka magbablush? Anyways I have to go now. See you later hon.."

Naalala ko yung panaginip ko. Hon din tawag sa akin nung lalake. 

**********

"Girl, kaw na maghandle nung last patient. Nirerequest kasi na yung chief tech daw ang mag x-ray sa kanya eh" sabi sa akin ni Letty.

"Ah ganun ba, edi sige walang problema" 

Padating ko sa may x-ray table nakatalikod yung pasyente sa akin.

"Uhm sir, pwede na po kayong mahiga sa table. Kung pwede lang po sana remove lang natin yung mga accessories natin bago tayo magundergo ng examination to avoid having an artifact sa image. Then sir pakisuot na lang po itong gonadal shield sa may table for the protection of your gonads"

" So I see, you have truly become a very fine lady and a successful career woman" sabi niya sa akin kahit nakatalikod pa.

I secretly smiled. "Thank you po sir" 

Kung Ako ba Siya...Mapapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon