Jhace's POV
Pagdating ko ng bahay kinuha agad ni Brick yung dala kong pizza. Buset na lalake to lakas lumamon talaga kahit kelan.
"Mabuti naman nakauwi ka na ate Jhace, may pupuntahan ako mamaya" nagsasalita siya kahit punung puno yung bibig niya. "Bakit ka ba hinimatay?"
"Nahimatay ako nung malaman kong patay na si Jelho. Imagine that? Naghihintay pala ako sa patay na!" Di ko na naman napigilang maiyak. Natigilan siya sa pag nguya.
Muntik pang maibuga ni Brick yung kinakain niya. "Sige subukan mo lang ibuga sa akin yan Brick kakalimutan kong pinsan kita!" pabiro kong sabi sa kanya kahit umiiyak ako. Aba ayoko masira moment ko no! Ganda ng iyak ko tapos bubugahan lang ako ng pizza sa mukha? No way! Masisira beauty ko!
Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita.
"Si kuya Jelho? He's dead?" di siya makapaniwala sa sinabi ko. Kahit naman ako di makapaniwala eh.
Tumango na lang ako ng marahan bilang tugon sa kanya.
"Kung totoo yun bakit di man lang sinabi sa'yo ng mama niya?"
"I don't know Brick"
"Eh yung Spade related nga sila?"
"Oo, magpinsan sila. Siya ang nagsabi sa akin."
"Ganun ba.Oh siya, magpahinga ka na muna. Kung gusto mo umiyak ilabas mo lang hanggang sa wala ka ng maiiyak. Pero ate sana wag mo isara ang puso mo sa iba. Kaya nangyari yan may plano ang Diyos. Siguro talagang hindi siya ang para sa'yo dahil may nakalaan na iba para sa'yo" ngayon ko lang narinig na magsalita ng ganito si Brick. Nagmature na nga talaga siya.
Pagalis ni Brick pumunta na ako sa kuwarto at ginawa muna ang evening duties ko bago matulog. Magshower, magbihis at magtoothbrush. Pagkahiga ko sinunod ko ang sinabi ni Brick. Inilabas ko lang lahat ng nararamdaman ko sa pagiyak hanggang makatulog na ako.
**********
Mazer's POV
"Kuya salamat sa pasalubong mo sa akin na laruan at mga damit ah!" si Milkah.Bahagyang ginulo ko ang buhok niya.
"Wala yan Milkah, basta promise mo sa kuya that you'll study hard ok?"
"Yes kuya!" sumaludo pa sa akin. Loko talagang bata to.
"Milkah! Halika na magpapalit ka na ng damit mo pantulog." tinatawag na siya ni Madhie.
Nakakapanibago dahil ang laki na ng bunso namin at dalagang dalaga na si Madhie. Halos siya na ang tumayong nanay kay Milkah habang wala ako.
Sumunod naman na si bunso at nagbihis na. Papikit na sana ako.
"Master Ace, nageexpect ho ba kayo ng bisita?" isa sa mga maids.
"Yeah, andiyan na ba siya?"
"Nasa garden po siya Master Ace"
"Sige bababa na ako"
Pagbaba ko nakaupo si Brick.
"Pare, musta na?" bati ko sa kanya.
"Okay naman, asensado ka na talaga ah"
"Anong asensado ka diyan di naman ako ang nagpundar nito eh. Yung namayapa naming Tita."
"Yaman pala ng tita mo no?"
"Sinabi mo pa! Pagdating ko nga ng Amerika ako pa ang nabulaga sa laki ng bahay at dami ng properties niya doon."
"Wow, hindi nga talaga malabong habulin ka ng mga babae don"
"Ikaw talaga di ka pa rin nagbabago no? Puro ka chix. Siya nga pala musta si Jhace? Nakauwi na ba siya?"
"Oo nakauwi na siya kanina sa unit niya. Grabe nga ang balita niya paguwi"
"Ano namang balita niya?"
"Patay na pala si Kuya Jelho"
"Huh? You mean hindi niyo alam? He died 2 years ago pa."
"Paano mo nalaman?" tanong niya sa akin.
"He' s my very first patient after I graduated. Di ko alam pero coincidence ata na magkita kami doon. Kaso lang huli na ng magpunta siya dun. Stage 3 na yung cancer niya so there's no assurance na makakaligtas pa siya noon"
"Wala kaming alam talaga pare, naaawa nga ako kay ate Jha dahil mugto yung mga mata niya pagdating. Naghihintay kasi siya na babalik pa bf niya di na pala"
Bakit di nila alam na wala na si Jelho? Imposible naman ata? May hindi tama sa mga nangyayare.
"Sa akin pinagkatiwala ni Jelho si Jhace bago siya mamatay. Alam na niya noon pa na mahal ko si Jhace. Di ko alam pare, pero sa tagal ng panahon na lumipas di ko alam kung ganoon pa rin ang nararamdaman ko para sa pinsan mo. You know ang dami ng dumaan na babae sa buhay ko na ubod talaga ng ganda at ang sexy pa!"
"You'll never know until makita mo siya ulit pare. Alam mo bang ang laki din ng pinagbago niya."
"Magkikita rin naman kami sooner or later"
"Yeah.."
"Siya nga pala sino yung Spade?"
"Sabi ni ate Jha pinsan daw ni kuya Jelho. Nanliligaw din sa kanya yun ngayon."
"Nanliligaw? I'm not gonna lose this time to another Cervantes bachelor."
"Akala ko ba hindi na ganun ang nararamdaman mo para sa pinsan ko?"
"Shut up! Gagawin ko lang ang pinangako ko kay Jelho." sana nga ganun lang talaga. Ilang beses na ako nasaktan dahil kay Jhace. Pero kung wala na talaga akong pagtingin sa kanya bakit pumayag ako sa gusto ni Jelho?
"Okay sabi mo eh"
**********
Hi guys! Malapit na ako maka500 reads galing sa inyo! Gaya ng sabi ko pag 500 reads na ako sisimulan ko yung isang story ko pa na "Azwraithe: The Pirate Prince" sana po suportahan niyo din ah! Maraming salamat po!
Mikoru~~~
BINABASA MO ANG
Kung Ako ba Siya...Mapapansin Mo
Romansawhen you're in love..age doesn't matter.... but what if... you never thought that it would be possible for you to break your standard? Would you let him enter your precious life? Find out...