chapter 30

56 2 1
                                    

Jhace's POV

Medyo kakatulog ko pa lang from our love making ng gisingin ako ni Mazer. Emergency daw. Naaksidente si butler Samuel nung papunta sana siya sa condo ni Mazer para dalhin yung mga damit niya.

Nung nasa hospital na kami agad naming hinanap  kung nasaan siya. Nasa emergency room pa rin daw siya. Andun si Maddhie na naunang nagpunta kaysa sa amin.

"Kuya"  umiiyak si Maddhie nung yumakap siya kay Mazer.

"Mad...wag kang umiyak ano ka ba. He will be fine soon. Para namang di mo alam kung gaano katatag si butler Samuel" hinimas himas ni Mazer ang likod ng kapatid niya na patuloy pa ring umiiyak.

Naiintindihan ko kung anong pinagdadaanan nila dahil halos si butler Samuel na ang tumayong tatay nilang magkakapatid. Dahil sa hindi nakakauwi noon si Mazer pinapadalaw niya si butler Samuel sa mga kapatid niya buwan buwan.

Umupo na muna ako sa couch na naroon. Maya maya pa pare pareho kaming napatingin nung lumabas na yung doktor sa ER.

"Oh Dr.Angeles ikaw pala." kakilala pa ni Mazer yung doktor. Siguro magkasing tangkad sila at pareho din silang guwapo. "Hey Maddhie..don't worry..tito Samuel will be okay. Just some sprain and abrasion on his leg." sabi nito. Kilala din pala niya si Maddhie.

"Thanks Kalvin, you made us relieved." Sabi ni Mazer sa kanya. Pumasok agad si Maddhie sa loob para tingnan ang kalagayan ni butler Samuel.

"So Ace, are you planning to go back to States?"

Tumingin ako kay Mazer. Hindi ko alam kung may balak pa siyang bumalik sa Amerika wala naman kasi siyang nababanggit sa akin.

"Yeah, maybe a few months after I got married."

"You're getting married?!"gulat na tanong neto sa kanya.

"Yeah. This is Jhace my fiancee" Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo. At nakipagshake hands dun sa kausap niyang Kalvin daw ang pangalan.

"Lufet mo talaga Ace! So ikaw pala si Jhace, yung first love ni Mazer. Tama nga naman ang sabi nila first love never dies" tumawa ito. Hahahah...first love talaga ang peg?

"Kalvin you dont have to tell her" mukhang nahiya pa tong unggoy na to.

"Man, you should be proud. Ano ka ba ganda ng fiancee mo. But beware Jhace, manyak tong si Mazer"alam ko naman na iyon eh hahahah!..

Binatukan ni Mazer si Kalvin. "Gago ka talaga, siraan daw ba ako sa mapapangasawa ko. Huwag ka nga mamaya imbes na "I do" isagot niyan sa akin sa kasal namin baka maging "pakyu"  aba mahirap na." Nagtawanan kaming tatlo. Natigil lang kami nung lumabas si Maddhie mula sa loob.

"You three are too noisy! Nagpapahinga si butler Samuel! Shhhh" nagsilence sign siya sa amin bago muling pumasok sa kuwarto.

"So paano? I have to go na lovers. Marami pang pasyente ang magkakandarapa este naghihintay pala sa akin"

"Sige tol, salamat." nung umalis na si Kalvin pumasok naman kami sa loob ng kuwarto. Conscious naman na si butler Samuel may benda nga lang ang kanang binti nito.

Nilapitan siya ni Mazer. Tatay na ang pakikitungo niya sa matanda. "Butler Samuel, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya dito.

"Master Ace, ayos lang ako. Huwag ka mag alala."

"Dapat magaling ka na sa kasal namin ni Jhace ah. Ikaw ang maghahatid sa akin sa altar."

"Sisiguruhin ko yan Master Ace. Kung andito lang siguro si Lady Mildred matutuwa yun na makita kang ikakasal" ngumiti lang si Mazer bilang ganti pero hindi umabot sa mga mata niya ang saya.

"Siya nga po pala, nakuha nyo ba yung plate number nung muntik ng makabangga sa inyo?"

"Hindi eh, pero naalala ko na black BMW yung sasakyan"

BMW? Bakit parang pamilyar? Sino nga ba may ganoong sasakyan? Hindi ko matandaan.

"Black na BMW?" napa isip din si Mazer. Sabay napatingin siya sa akin. Hala! wala akong sasakyan noh!

"Jhace, meron ka bang natatandaan na black na BMW? Its familiar kasi"

Napaisip muna ako bago sumagot. "Si Spade ang natatandaan ko na may black vehicle. Pero di ko naman napansin kung BMW yun. Di naman kasi ako mausisa pagdating sa ganoong bagay. At kung BMW man yun hindi lang naman siya ang may BMW na black sa buong Pilipinas"

"Jhace, bakit parang dinedepensahan mo siya? Are you trying to tell us he has nothing to do with this?"

Bakit parang sa akin siya nagagalit? "Maze, hindi ganoon ang ibig kong sabihin. What my point is mahirap magbintang. Ano naman motibo ni Spade para gawin yun?"

"Una pa lang wala na akong tiwala sa kanya. Hindi maganda ang aura niya para sa akin." Tumahimik na lang ako para matapos na ang usapan. Hindi ko rin maisip na gagawin ni Spade yun. Imposible.

Someone's POV

Mag antay lang kayo...Malalaman niyo din kung sino ako.   Pero siyempre pahihirapan ko muna kayo at gagawin ko lahat huwag lang matuloy ang plano niyong pagpapakasal.

Oo sigurado kaiinisan niyo ako mga readers kung malalaman niyo kung sino ako. Marahil hindi niyo maiintindihan pero nagmamahal lang ako. At hindi ko hahayaang maagaw sa akin ng iba ang minamahal ko.

Alam ko na mahalaga kay Mazer si butler Samuel kaya naman siya ang pinuntirya ko kanina. Baka sakaling hindi na siya magpakasal kay Jhace, pero hindi napuruhan tong matanda na to. Bwiset! Huwag kayong mag alala..marami pa akong plano..All you have to is wait....

A/N: yan nag update na po ako..Sino kaya itong misteryosong someone n ito? May hula ba kayo? Comment niyo :3

Kung Ako ba Siya...Mapapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon