"Becareful who you call your friends. I'd rather have four quarters than one hundred pennies."
-Al Capone
Napatingala ako sa kabughawan ng langit. Masariwang tignan, presko at tila ba nakikisabahay ang nakakahalinang hampas ng hangin. Naglilibang. Tila may pagdiriwang na nangyayari na para lang sa inang kalikasan. Sabagay, sila lang ang may karapatan. Kami? Walang bago, kasalimuotan at sigalot ang nakahain. Sabagay sa sabi nga nila, the only constant in this world is change. Pero, paano kaya kung wala ako? Would everything remain the same or it was really fated? Then, I'm their curse kasi ako ang daan patungo sa tadhanang 'yon. Sucked.
"Kanina ka pa nandiyan, tara na," tawag niya bago naupo sa katabing duyan na kinauupuan ko.
Hindi ko siya kinibuan at nanatiling nakatingin sa mga puntod na nasa harapan. Akalain ba naming marami silang raratay diyan?
"Ayoko pa, hindi naman mainit," sagot ko dahil gusto ko pa'ng manatili sa ilalim ng punong ito. Kung titignan, tila napakapayapa ng lahat pero kung saksi niyo lang, hihilingin niyong nakapikit kayo sa mga sandaling yaon.
Tahimik ang lugar, kaya hindi nakatakas ang malalim na buntong hininga niya. Hindi man ako nakatingin sa kaniya ay hagilap pa rin ng mga mata ko ang pagbukas sarado ng bibig niya. May gustong sabihin pero ayaw pang diretsahin.
"Ano? Sabihin mo na," panghahamon ko bago siya nilingon at diniretso sa mga mata. Naiiyak siya, halata naman. Konsensiya?
"Alam ko, pero pinili ko pa rin," Masaklap, gusto kitang murahin ngayon hanggang sa hindi mabilang. " Pwedeng ako nalang ang nasa mga lapidang 'yan? May pagpipilian naman ako, but I was no less than a coward." Tinawanan ko siya. Siguro sapat na ang mga tawa ko para ipasigawan sa buong mundo kung gaano siya ka duwag.
Umiling ako sa kaniya bago tumayo at nagsalita pabalik.
"Alam mo, tama ka, pero pwede pa naman eh," panimula ko bago ko hinugot ang baril sa tagiliran. Kinasa ko muna bago ibinigay sa kaniya. "Iyan, hindi pa huli ang lahat, Aeyi," dagdag ko bago siya tinaasan ng baril na kamay at binaril siya sa ulo.
Matapos 'yon ay tinalikuran ko na siya. Sa madaling salita, iniwan ko. Ayaw ko na dun, hindi ako makapag-isip ng tama. Ayaw ko munang nasa paligid siya.
"Sharlett!" tawag niya nang eksaktong kakatapos ko lang magsuot ng helmet at paangkas na sana sa motor. Initaas ko ng bahagya ang salamin para mas tanaw siya ng mga mata ko. "Ga-galit ka ba sa'kin? Mapapatawad mo pa ba'ko?" kinakabahang tanong niya na ikinahinto ko.
Mababalik pa ba ang dati? Hindi. Kahit alin sa magiging sagot ko ay mananatiling ganito pa rin ang lahat. Neutral, walang magbabago. Hinding-hindi ko maiintindahan ang mga bagay na 'yon. Hindi lang siya, kundi silang lahat. Mga walang kwenta.
"Nga pala, pakisabi kay Haeron, congrats at hinihintay na siya ni grim reaper," nasabi ko bago tumawa at umangkas na sa motor. If accelerating the speed would pave every mass that has taken the scenery and would make it blunt? Then I would be glad speeding it up towards the sky ; me, and just the peaceful sky.
Pero, galit nga ba talaga ako? O, wala lang talagang ibang masisi. Either way, still, tapos na ang lahat. Ngayon, kailangan kong maipanalo ang lahat sa korte.
Itutuloy...............
YOU ARE READING
Gangster Leader
RandomA strong and independent young lady who she never imagine she will be, found her self funding a group. Lost, curiosity, and justice are what made them as one. Different stories, different reasons---are things they couldn't share. Will this journey l...