Chapter 16: Liza

227 14 0
                                    

LIZA'S P.O.V

Natapos ang buong Linggo na puro dance practice lang ang ginagawa namin kada uwian. Walang outside jobs—na mas mainam dahil gulong-gulo ang isipan ko ngayon. Hindi naman kami naghihirap— hindi rin mayaman—pero pakiramdam ko pasan ko lahat ng problema.

Gusto ko sana'ng may mapagsabihan dahil parang sasabog na lahat ng mga ugat sa ulo ko. Masarap kaya sa pakiramdam na may mapaglabasan ka ng damdamin; magaan at may pag-asa kapang makapag-isip ng tama. Pero sino naman? Sila? Hindi naman sa wala, pero alam kong sa grupo namin ay may kanya-kanya kaming pasan. Ayaw kong dumagdag pa. Hindi man nila at namin sabihin sa isa't-isa, pero lahat kami ay nabibigatan na— binubuo ng mga problema ang grupo namin.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapa-isip. Uuwi na kaya siya? Sana naman hindi pa. Ayaw kong umuwi kapag nasa paligid lang siya. Mas gusto ko pa'ng maglakad sa madilim na daanan kaysa sa bahay na magiging alangin ang bawat galaw ko.

"Liza! Wow sexy ah!" Nahinto ako sa paglalakad nang may tumawag sa'kin. Isang grupo ng mga lalaki ang nag-iinuman sa tindahan malapit sa bahay namin. "Halika inom tayo! Sige na! Isang shot lang, promise!" pagbibiro niya na akala niya ay ayos lang sa'kin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi sila pinansin. Bakit ba? Ayos naman ang suot ko ah. Kung nangangati anv mga ari nila ay ingudngod nila sa pader o kaya putulin!

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag nang makita ang kararating lang na asawa ni mama. Bumaba siya sa motor niya bago tanggalin ang suot na helmet.  Kumaripas agad ako nang pasok sa bahay sabay lock ng gate, kahit alam kong makakapasok pa rin siya, kasi ayaw kong nasa paligid ko siya.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko sa ikalawang palapag para makapagpalit ng pajama at maluwag na shirt dahil hindi na'ko komportable sa suot kong uniporme. Hindi naman masikip ang polo at maikli ang palda ng uniporme, sadyang mas gusto kong mas balot ang katawan ko.

"Ma? Mo uli ka ba?" kinakabahang tanong ko sa kabilang linya habang nakatingin sa nakasaradong pintuan ng kuwarto ko. Na-lock ko na ang pintuan at habang kausap si mama sa telepono ay nag-iisip ako ng paraan ko paano kumain nang hindi kami magkakasalamuha. Ilang taon na 'tong nangyayari pero nanginginig pa rin ako at binibingi ng kaba habang nakaupo rito sa kama ko.

"Hindi baby," malambing at puyat na sagot niya. "Pero imo dada oo. Nakauli na ba siya?" masayang dugtong niya.

"O-oo nakauli na," kagat labing sagot ko.

"Mabuti naman! Naa ra ba mga tambay sa gawas ara! Liza dili mo gawas ah? Mas ligtas ka sa bahay," Sa sinabi niya ay naiyak ako. Talaga ba mama? Ligtas ako? Kung itong mismong bahay na 'to ay halos hindi ako makatulog kakaisip kung pipikit ba ako ay ayos pa rin ba ako. "Nasa subdivision man unta ta! Pero ewan ko ba anak, may mga tambay man gihapon." Hindi ako nagsalita at tumango lang. Oo nagmimistula nga itong subdivision kung tawagin ni mama pero wala naman itong guard house at cctv sa mga kanto. Mapayapa ang paligid at may malawak na daanan. Hindi rin gaanong magkakadikit ang mga kabahayan.

Pero alam ba niya? Kahit na binabastos ako sa labas, mas nababastos ako sa loob ng bahay na 'to. Gustong-gusto ko na'ng bumuklod!

Magsusumbong na sana ako sa kaniya pero naunahan niya ako sa pagsasalita.

"Sige baby, bye na ah? May aasikasuhin pa ako. Tulungan mo nalang ang dada mo sa office work niya. Marami man gud dapat siya na  ise-send na e-mail. Bye good night baby ko!" Pinatay niya ang tawag.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now