Chapter 20: Deadly

233 14 2
                                    

SHARLETT'S P.O.V

Buong Linggo ay inasikaso lang kami nina Tiffany, Aira, at Haerone. Walang masyadong ganap. Hindi na rin namin inusisa masyado kung sino iyon kahapon dahil wala kaming mahanap— kung sino man iyon, napakalinis niyang magtrabaho.

Ngayong Lunes, nasa HQ lang kaming lahat. Wala raw pasok hanggang Miyerkules na mainam na rin dahil kasalukuyan pa kaming nagpapagaling. Sakto, pagkabalik ng klase ay ayos na ayos na kami.

"Done! Na confirm ko na babi. Registered na tayo sa Blackclubs. Special battle." Kumindat sa'kin si Aeyi habang nakaupo sa harapan ng laptop niya rito sa kusina.

Tumango lang ako sa kaniya at kumagat ulit ng mansanas. Nag-iisip ako kung anong gagawin sa dalawang araw. Wala naman akong uuwian, tapos wala pa kaming outside jobs.

"Mag-aano tayo sa dalawang araw guys!? Wala kaming plano," sigaw ni Quazil mula sa sala kasama ang iba. Nakadunggaw siya habang nanunuod sila ng 'The Platform'.

Kumagat ulit ako ng mansanas bago nagkibit-balikat. Hindi ako umimik at sinipa ang paa ni Aeyi sa ilalim ng mesa. Kaharap ko siya kaya hindi ako nahirapan.

"Masakit ah!" reklamo niya at sinipa ang crural ko na nasa ilalim din ng mesa.

I gave her a creepy smile before crossing my arms. She shot me back her what-look before shifting into a nervous expression.

"Ano'ng nasa utak mo?" kinakabahang tanong niya na ikinatawa ko.

Actually, walang nasa utak ko. Gusto ko lang talagang mang-disturbo ngayon dahil wala akong magawa. Isa pa, ayaw ko sa sala dahil ang inggay ng mga assumptions nina Quazil at Shaun ukol sa pelikula.

"Ay! Metaphorical 'yan!" komento ni Quazil sa pinapanood habang itinuturo ang telebisyon.

"Oo nga! Mahahango sa real life! Society!" agad na sunod ni Shaun sa komento ni Quazil sabay hampas ng malakas kay Mauron na tahimik na nanunuod sa tabi niya. Napasinghap si Mauron sa lakas ng hampas ni Shaun. Gusto na nga niyang makipagpalitan ng pwesto kay Zheil pero ayaw naman nito.

"Halah ka, tama ka nga bro!" siko ni Quazil kay Shaun.

"O 'di ba? Ako pa!" masiglang wika ni Shaun at pasimpleng humablot ng wet wipe tissue para punasan ang braso niyang siniko ni Quazil. Galing kasi sa kakakulangot ng ilong si Quazil at kinamot ang siko gamit ang pinangkulangot niya. Dalawang beses na pasimpleng pinunasan ni Shaun ang braso niya at niligo pa ng alcohol.

"Na paano ka?" pagtataka ni Quazil.

Ngumiti si Shaun sa kaniya bago sumagot.

"Wala, gusto ko lang ang lamig ng alcohol," sagot niya at tumayo para maupo sa tabi ni Zheil. Ang uto-utong si Quazil ay inabot pa kay Shaun ang iniwang alcohol gamit ang kamay na may natira pang kulangot. "Ay hindi na,  I like wet wipes—" naputol ang sasabihin ni Shaun nang binitawan ni Quazil ang hawak na alcohol para ang wet wipes naman ang iabot niya.

"I got you bro." Kumindat pa si Quazil sa kaniya.

"I like wet wipes that are newly brought. Pass." Alanganing ngumiti si Shaun at pasimpleng sumandal sa sofa para magtago sa gilid ni Zheil.

Ganiyan ka manhid si Quazil.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Aeyi kina Wayne at Aira habang nakangisi.

Naupo sina Wayne at Aira sa tabi ni Aeyi bago sabay na umirap. Halatang naiinis ang dalawa. Sabay pa nilang tinapunan ng tingin sina Quazil at Shaun bago humalukipkip.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now