Chapter 8: The boys

324 19 4
                                    

SHAZHE'S P.O.V


Nasa kusina kaming lahat habang nakatayo sa likuran ng nakaupong si Haerone sa harapan ng nakaupong si Lite. Binalot ng katahimikan at tensyon ang kusina. Walang gumalaw sa mga pagkaing dala ni Lite na nasa loob pa rin ng limang plastic bags dahil abala sila sa pagpukol ng tingin sa isa't isa lalo na sa'ming dalawa ni Lite. Sa sitwasyon ngayon, parang akala ata nila ay pinapunta ko si Lite rito.

My looks says like: this dude came here with even me knowing it.

Kinuha ni Haerone ang kamay ko at hinila papunta sa upuan sa gilid niya para paupuin.

"A-alam kong nagugutom na kayo," kinakabahang wika ni Lite. "Kain na kayo..." aya niya sa'min nina Wayne, Aeyi, at ng mga lalaki pero wala pa ring umimik ni gumalaw. Nagmimistulang hangin si Lite.

"Kumain na kayo, mag-uusap lang kami," sabi ko kaya napalingon ang lahat sa'kin. Tumayo ako para sana hilain si Lite paalis dito kasi kakausapin ko siya tungkol sa kahapon pero agad na hinila ni Haerone ang braso ako. Sa biglaang paghila niya ay napasalampak ang puwet ko sa upuan. Halatang galit.

"Upo, Sharlett," malamig at seryosong utos ni Haerone sa tabi ko. Pinanliitan ko siya ng mga mata bago tapunan ng tingin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak ngayon sa kamay ko. Labag man sa loob niya ay binitawan niya ang kamay ko kaya tumayo na'ko at agad na hinila si Lite papuntang sala.

"Lite, magtapat ka nga, ano ba talaga ang laro mo?" pagharap ko sa kaniya para klaruhin ang pakay niya. Three times he betrayed us but still he kept on giving us his help. Hindi siya sumagot, bagkus ay nakatitig lang siya sa'kin. " Nililito mo ako Lite. You betrayed us, three times, pero nagbibigay ka pa rin ng tulong. Same as you did. Help, then betray. Any words to atleast clear your name?" Bahagyang tumaas ang boses ko.

"Aalis na'ko," pagpapa-alam niya bago ako nilampasan. Hindi ko hahayaang makaalis lang siya ng ganun kadali lalo na sa nangyari kahapon kaya mabilis na hinawakan ko ang pulsuhan niya. Natigilan siya bigla kaya kumilos na agad ako para harangin ang dadaanan niya. Ngumiti siya ng tipid na ikinapanliksik ng mga mata ko.

Hindi ko siya mabasa. Damn.

"Umamin ka, may kapalit na 'yung tulong kahapon 'di ba? Ngayon, ano'ng pakulo na naman para malaman ko ang gagawin?" kalmadong wika ko bago nagbuntong hininga pero hindi siya sumagot. Tikom lang ang bibig niya kaya sumakit na ang ulo ko kakabasa sa kaniya. "Lite!" sigaw ko na ikinagitla niya ng bahagya.

"May nangyari ba nang umalis ako?" Hindi ako sumagot kaya nagbuntong hininga siya bago nagpatuloy. "Mag-iingat kayo, aalis na'ko," dagdag niya bago ako lampasan.

Kahit kailan ay wala siyang klarong sagot. Sige lang, hahanapan ko nalang ng paraan. Sabagay ay ako ang may pasimuno ng grupo na'to.

"Salamat sa tulong, huli na 'yon. Hindi na kita gagambalahin," sabi ko nalang dahil wala naman siyang klarong sagot at ako ang unang tumawag sa kaniya para humingi ng tulong. Noong tatlong beses siyang nagkanulo sa amin ay sinubukan ko'ng ayusin pero siya palagi ang walang klaro.

"Sige," matagal niyang sagot bago ko narinig ang pagsara ng pintuan.

"Tinawag mo na naman si Lite?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Quazil na kararating lang dito sa sala. Nakangisi siya sa'kin na tila nang-aasar. "Humanda ka sa'kin," biro niya sa nanliliksik na mga mata habang tumatawa. Tinaasan ko siya ng kilay. Baka akala niya nakalimutan ko ang ginawa niya? Pasalamat siya at nabaling kay Lite ang utak ko.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now