SHAZHE'S P.O.V
Napakasariwa ng hangin, nga lang, tirik ang araw kung kaya'y mainit. Buti ay may pwesto kami rito sa ilalim ng puno. Ang rooftop na 'to talaga ang paborito naming kainan dito sa paaralan. Mahaba ang lamesa at silya rito na purong gawa sa kahoy kung kaya'y komportable ang kumain dito palagi. Halatang luma kung tignan ngunit napakatibay naman. Isa pa sa rason kung bakit dito kami komportable kumain ay iwas ito sa mga tao kaya makakapag-usap kami ng ilang detalye tungkol sa pinagagawa namin bilang isang gang. Sino ba naman ang gustong pumunta rito, maliban sa amin, para kumain kung de air-condition ang bawat silid ng paaralan, canteen, at iba pang lugar dito? Isa pa, walang elevator paakyat dito.
Payapa, presko, at mahangin talaga rito sa rooftop. Mas lalo pang humangin dahil kina Quazil at Shaun. I get that they're handsome, but they couldn't behave themselves.
"Hallo pogi!" mayabang na bati ni Quazil sa harapan ng bilugang salamin na pagmamay-ari niya. Nagsusuklay siya ng buhok habang nagpapa-cute. Quazil looked like a gay with him being overdosed of self-esteem.
"Oh please, magsisimula na naman ang bekleee!" nakangiwing ani ni Wayne habang nakasandal sa sementong harang ng rooftop.
"Hindi kami bekleee," wika ni Quazil pabalik kay Wayne sa tonong may pagkapareho kay Wayne. Wayne's upper lip slightly rose at how Quazil mimicked her voice. Tumigil si Quazil sa ginagawa niya at hinila si Wayne mula sa pagkakasandal sa sementong harang ng rooftop. "Dito ka nga. Kanina pa kita napapansin at ako ang aatakihan. Baka madulas ka at hindi pa'ko makatulog ng mahimbing kada gabi kapag nahulog ka. Likot mo kase," mahabang wika ni Quazil hanggang sa mapaupo niya si Wayne sa gitna nila ni Shaun.
"Ang hot, pansin niyo? O sadyang hot lang talaga ako?" Naubo ako bigla kay Shaun. Men like him really exist.
"Ang ganda mo nga"
"I kno---"
"Gandang sipain," nakangising dagdag ni Quazil kaya napairap si Shaun. "Alam mo, nakakainis talaga ang mga mata mo. Irap ka pa nga ulit at dudukutin ko. Nakakagigil,"dagdag ni Quazil sa nangigigil na tono. Automatiko, napirap ulit si Shaun kaya umakma si Quazil na dudukutin niya ang mga mata ni Shaun.
"Subukan mo at bubutasin ko talaga ang mga condoms mo. Ayaw mo naman sigurong maging factory daddy?" hunat ni Shaun kay Quazil na ikinatawa ni Quazil.
"Walang ganyanan Shaunnn," baklang ani ni Quazil sabay tayo para yakapin si Shaun.
"Ahh! Don't hug me. Pawisan ka and I'm newly perfumed." Shaun pushed Quazil away that made Quazil laughed even more as he sat back down to where he was seated. Tumayo si Shaun para pagpagan ang sarili at yumuko nang mapansin ang dumi sa hazel brown niyang Tictac na sapatos. He politely asked Wayne to grabbed him a wet wipe and thanked her after.
12:27 noon
"Nasa'n na ba sina Aira at Mauron? Ang tagal," naiinip na reklamo ko nang mapansing lagpas dalawampung minuto na silang wala. Nagkibit balikat ang lahat kaya natampal ko nalang ang noo ko. Nagugutom na'ko at ilang minuto na lang ay may pasok na naman. Sana pala ay hindi si Mauron ang pinagbitbit namin ng pasta para kahit papaano ay may makain na kami. Dumiretso kasi sila ni Aira papuntang canteen bilang pagprepresinta na sila na ang bibili ng pantanghalian namin.
YOU ARE READING
Gangster Leader
RandomA strong and independent young lady who she never imagine she will be, found her self funding a group. Lost, curiosity, and justice are what made them as one. Different stories, different reasons---are things they couldn't share. Will this journey l...
