Chapter 18: Gun Shoots

198 14 0
                                    

HAERONE'S P.O.V

Minabuti muna namin ang ipahatid kina Shaun at Quazil ang bata sa Police Station dahil may lakad kami mamayang alas dose ng madaling araw. Gusto ko pa sana'ng hanapin muna namin ang mga magulang niya o ako nalang mismo ang maghanap dahil napakadelikado sa murang edad niya. Malalim pa naman ang gabi ngayon dahil pinakain ko pa ang bata.

Kanina pa'ko hindi mapakali kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo rito sa silya ng hapag kainan.

"Ihahatid ko ang bata," buong loob na sabi ko kay Sharlett na tila malalim ang iniisip. Hindi man lang ako inangatan ng tingin nito at nanatili lang na nakatungo habang magkasalubong ang kaniyang mga kilay. Ayos lang, hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya.

Quazil and Shaun is with the kid. Ang usapan ay iiwan ang bata sa estasyon ng mga pulis, pero paano kapag may mangyaring masama doon pagka-alis nina Quazil at Shaun? Isa pa, baka matakot iyon doon sa Police Station dahil wala siyang kilalang mukha; sino ang magpapatahan kung ganoon? Kanina pa naman niya hinahanap ang mommy niya. This concerns me a lot.

"Stay," naiusal ni Sharlett sa baritonong boses sabay hawak sa pulsuhan ko nang matauhan siya mula sa kakatulala. Hindi ko alam kung napa'no siya pero may pag-aalinlangan din sa galaw niya kanina. At hanggang ngayon ay nanatili pa ring nakakunot ang noo niya; kaya bakit niya ako pinipigilan?

"Hahanapin ko lang ang magulang niya. Umiiyak pa naman," hindi mapakaling sabi ko habang nakatanaw sa may gawi ng main door.

Alam ko namang kanina pa sila nakaalis pero baka makahabol pa'ko sa kanila. Kawawa kasi talaga, umiiyak pa rin kasi iyon habang karga ni Quazil. Baka lagnatin iyon sa kakaiyak.

"May gagawin tayong importante." Nanliliksik ang mga mata niya sa'kin kaya napakagat labi at napailing ko.

Seriously? Lyle is a kid and she should atleast be considerate.

"Alam ko, pero kawawa si Lyle. He's still a baby..." hindi makapaniwalang pagkontra ko sa kaniya habang pilit kong pinapakawalan ang pulsuhan mula sa higpit ng pagkakahawak niya.

Umiling siya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. Namumula pa ang mukha at mga tenga niya sa inis bago nagsalita ulit.

"Kasama naman niya sina Shaun at Quazil," pagpapaliwanag niya sa kalmadong boses. "May meeting pa tayo," madiing dagdag niya.

"Pero---" handa na sana akong kumontra ulit nang padabog niyang binitawan ang pulsuhan ko sabay diretsong tayo mula sa pagkakaupo.

"ANO NA NAMAN BA!? BAKIT BA KASI GANYAN KA!? GANUN BA TALAGA KAIMPORTANTE ANG BATANG 'YUN KAYSA SA PERA MAMAYA!?BATA.LANG.YUN. BATA LANG!" pagsabog niya habang namumula ang mga mata sa galit na may halong panununubig.

Napailing ako sa kaniya bago kalmadong sumagot. This girl easily loses her temper.

"Hindi lang siya bata. He's a precious anghel to someone else---"

"ANO NA NAMAN BA NGAYON!? YOU KNOW WHAT? I DON'T GET WHY YOU'RE A LEADER. YOU ARE TOO DAMN SOFT!" Napaatras ako nang malakas niyang sipain ang upuan. Natabig pa nun ang baso na nasa mesa kaya naagaw ang atensiyon nila Zheil mula sa pagpaplano at nakatanaw na sa'min ngayon mula sa sala. "May misyon tayo, isipin mo naman..." dagdag niya nang medyo humupa na siya.

Hindi ko siya maintindihan. I know each of us has been going through something, but her attitude is beyond my understanding. She don't even know how to be considerate when we needed it! Hindi lang naman sana siya ang may pinagdadanan.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now