SHAZHE'S P.O.V
Hindi ako makatayo para bumaril pabalik sa kalaban. Ilang minuto na ang lumipas at nanatili pa rin kaming nakadapa ni Wayne sa sahig. Sa magkakasunod na patama sa amin, paniguradong lugi kami kung sakaling tatayo kami para kumuha ng armas at manlaban.
"Ayos lang kayo?" pasigaw na tanong ni Haerone habang nakadapa sa may bungad ng kusina. Sa tabi niya ay parehong nakadapa sina Quazil at Aeyi na parehong masama ang timpla ng mukha. Nanliliksik ang mga mata nina Aeyi at Quazil at sabay na napamura sa inis marahil dahil hindi sila makabaril pabalik.
"Oo. Ayos lang," pasigaw na sagot ko kay Haerone at sabay kaming napangisi nang marinig ang magkakasunod na putok. Mukhang sina Tiffany at Liza ata ang nagpapaputok dahil nagmumula rito sa loob ang inggay.
Hindi nga ako nagkamali ng hula nang magsalita si Tiffany. "Kami na muna ang bahala," wika niya.
"Diyan lang kayo," mahinang ani ni Liza sa amin habang gumagapang papunta sa unahan namin.
Hindi nagtagal ay biglang namatay ang ilaw. Shit. Years of residing in this Headquarters, only this time we have encountered blackout. Ngayon lang din kami nakaranas nang pag-atake ng kalaban sa mismong Headquarter namin. We have been always careful.
Tumagal ng ilang minuto ang blackout kasabay ng mas maingay na palitan ng pagpaputok ng baril.
"Babi..." Napalingon ako sa humawak sa kamay ko at napakunot ang noo. Am I feeling right? I can feel sticky liquid on my arms, right where she holds me.
"Are you hurt, Aeyi?" mahinahong tanong ko.
"S-shit!" Naagaw ang atensyon naming dalawa sa sumigaw na si Mauron. He is holding his phone with its flashlight on. Sinundan ko kung saan nakatama ang ilaw ng cellphone niya at halos mapasigaw sa nakita.
Damn! Quazil is lying down behind me. Naliligo sa sariling dugo si Quazil at puno ng...saksak?
"Q-quazil!" sigaw ni Haerone sa natatarantang boses. He was left dumbfounded whether to touch the body or not.
"Oh..shit," naiusal ko nang bumalik ang ilaw sa buong Headquarter. Kasabay ng pabalik ng ilaw ay ang pagtigil ng putukan.
Parang bumaliktad ang sikmura ko nang makitang nakabulagta sa may hagdanan si Tiffany. I felt sick. The feeling is different when it is someone you knew lying on the floor with blood pooling around. Someone must have slit Tiffany's throat! Her neck was twisted with a gunshot on her side stomach.
What the fuck is happening here?
Yumakap si Aeyi sa akin. She buried her face on my neck and I can feel her tears dripping down. Marahan kong hinagod ang likuran niya para patahanin. Nanginginig siya.
From: 09 143 +++ +++
I warned you.
Napaisip ako nang mabasa ang mensahe. Who could this person be? Could it be... Lite?
∆∆∆∆
Ilang araw na ang nagdaan at ikinalulungkot ko ang burol ni Tiffany. Quazil had his burial earlier but we were not able to attend; sumakto ang burol niya sa paglipat namin ng Headquarter. Hindi man namin kilala ang pagkatao ng isa't-isa pero may pinagsamahan kami. My hands are eager to avenge for their death.
"Ililibing na si Tiffany mamaya," ani ni Aeyi bago ako abutan ng maiinom habang inaayos ko ang security ng bagong Headquarter namin. Pumatong si Aeyi sa ibabaw ng couch na inuupuan ko para ilagay ang CCTV patama sa gawi ng dining and kitchen area.
YOU ARE READING
Gangster Leader
RastgeleA strong and independent young lady who she never imagine she will be, found her self funding a group. Lost, curiosity, and justice are what made them as one. Different stories, different reasons---are things they couldn't share. Will this journey l...
