SOMEONE'S P.O.V
Ganun pa rin: pinupuno ng inggay; usok ng mga sigarilyo; bote ng alak; tawanan at transaction; mga babaeng nagsasayaw sa pole; at mga mala-demonyong tawa ang kapaligiran. Bar. Wala ng bago. At dito ako naninirahan ng ilang taon.
"Grave! Maupo ka rito!" tawag sa'kin ng boss ko habang nagsisilbi ako sa isang table bilang waiter.
Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot at tinapos muna ang isang table bago maupo sa upuan nila. Nang makaupo ay agad na pinaalis ng boss ko ang mga babaeng nakalambitin sa kanila. Umusog ako ng kaunti palayo sa kanila dahil ayoko talaga ang baho ng sigarilyo.
"Shot." Ngumisi ang boss ko sa'kin bago ako abutan ng malaking baso. Amoy palang ay ayaw ko na pero sa ilang taon ko dito ay nakasanayan ko na rin bilang pakikisama; ang baho ng sigarilyo? Sumasakit talaga ang ilong ko.
Matapos mainom ang baso ng alak ay saka ko lang napansin na nasa akin pala ang mga mata ng lahat. Hindi ako umimik at pinatili ang sarili hanggang sa napansin ko ang mga nagkalat na litrato sa mesa. Pamilyar sa'kin ang litrato ng grupong nasa litrato.
"Everyone, this is grave," malokong pagpapakilala sa'kin ni boss sabay akbay sa'kin. Ngumisi sa'kin ang mga may edad na kalalakihan dito sa pwesto namin at sinuklian ko lang ng pagtango. "Hindi talaga kayo mabibigo rito mga boss, Grave can merciless pull the trigger,"dagdag niya.
Tumango lang ako habang nakatingin pa rin sa litrato. Hindi na rin ako nagtanong dahil alam ko na naman ang ipapagawa nila kaya naghintay nalang akong magsalita sila.
"Grave, see that pictures?" galak na tanong ni boss. Tumango ako bilang sagot habang nakatingin pa rin sa mga litrato. "Bukas, may transaction na magaganap. And, I want you to play your part. Like you always do, kill them... outside this bar," pagpapatuloy niya.
Most of my works, I never did ask, but I think I need explanation for this one. Ano ba'ng kasalanan nila at ipapapatay? I never left just for her to be killed. Damn.
"Kasalanan nila?" diretso at walang emosyong tanong ko nang kunin ang isa sa mga litratong nasa mesa.
Mas lalong ngumisi si boss dahil hindi naman ako pala tanong. Once the plate is served, I never cared.
"Those brats," nangigigil na panimula ng isa sa limang mga lalaki na naka-business attire habang nakaturo sa litrato na hawak ko. "They betrayed my business that I entrusted them. Tinurukan nila ng drugs ang mga tauhan ko at pinadampot sa mga pulis. There's no way I could save them, I'm in politics," pagpapatuloy niya.
Tumango ako bilang tugon na nakikinig ako bago binalingan ng tingin ang katabi niya.
"Nagnakaw sila ng pera sa account namin. Dalawang taon na 'to, but I lost 1 million," tugon ng pinakabata sa kanila na mukhang nasa 30's pa yata. Sa pagkakarinig ko sa labas, business tycoon daw ito. 1 million would be nothing then compared to his wealth.
Tumango ulit ako at binalingan ang katabi ko pero tinuro lang niya ang batang business tycoon. Personal bodyguard yata kaya sa kaharap ko nalang binaling ang tingin ko bago sa katabi niya.
"Scam transaction," maikling sagot ng pinakamatandang lalaki na nasa harapan ko nakaupo.
"Same, scam transaction and betrayed partnership. Mahigit tatlong milyon ang nawala sa'kin," pagpapaliwanag ng katabi ng pinakamatandang lalaki na sumagot kanina. Habang nakikinig ay hindi ko maiwasang mapakunot ang noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/79954652-288-k90394.jpg)
YOU ARE READING
Gangster Leader
De TodoA strong and independent young lady who she never imagine she will be, found her self funding a group. Lost, curiosity, and justice are what made them as one. Different stories, different reasons---are things they couldn't share. Will this journey l...