Chapter 7: Concern

291 15 0
                                    

SHAZHE'S P.O.V

Alas dyes pa ng umaga pero pakiramdam ko ay napakahabang araw na. Wala pang masyadong tao rito sa loob ng silid-aralan dahil oras ng meryenda ngayon; kadalasang nasa canteen na ang lahat pero heto ako, minabuti'ng magpaiwan. I don't feel like moving. Puno ang isipan ko ng nangyari kahapon kaya walang pumapasok na leksyon sa utak ko. I've been like this for two days already. Gusto ko nalang ang umuwi na sa headquarters.

"Bakit?" tanong ni Wayne kasama si Aira. Inabot niya muna sa'kin ang isang sandwich at juice bago hinila at inikot papaharap sa akin ang bakanteng upuan sa harapan ko para maupo. Si Aira naman ay tahimik na naupo sa gilid ko.

Imbes na sagutin si Wayne ay inabala ko sa pagkain ang sarili.

"Kanina ka pa lutang, dahil ba kay Lite kahapon?" sabat ni Aira sa gilid ko. Saglit akong natigilan pero hindi ko ipinahalata. Sa sinabi niya, kinabahan ulit ko.

"Naibigay mo na ang excuse letter, Wayne?" tanong ko sa kaniya matapos tusukin ng straw ang juice para uminom. Tumango siya sa'kin at ngumuya muna bago sumagot.

"Oo, as usual, na send agad ni Lite kaya nakapag-print agad ako. Hanggang ngayon ay may silbi pa rin ang gago," sagot niya at pinag-aralan ang mukha ko. Ngayon, nakatitig na rin sa mukha ko si Aira na ikinailang ko. Napabuntong hininga nalang ako sa ginagawa nila.

"Mamaya ko na sasabihin, makinig muna tayo sa klase lalo na't marami'ng gusto tayo hilain pababa," wika ko at inubos na ang iniinom na juice at ang huling kagat ng kinakaing sandwich. Tumango lang sila bilang pagsang-ayon dahil totoo naman ang sinsabi ko. Dito kasi sa paaralan namin, apat na strand lang ang meron: Section A- STEM, Section B- ABM, Section C- Arts and Design at Section D- GAS. Kakaiba 'di ba? Parang may strand discrimination; pero ganito talaga rito kaya may rivalry ang bawat section.
Malabong hahayaan naming magpaiwan ang grades namin dahil hindi na kami maisasalba ni HT at hindi na rin namin siya maisasalba kapag nagpabaya kami--- tanging ang mga malalaking marka lang ang maaaring isangga sa kompetisyon and the more good student you are, the far you are from being monitored. Sa sitwasyon namin, kailangan namin ang mga marka namin para maipagpapatuloy ang plano lalo na't maraming naghahabol na makasali sa mga kompetisyon.

*Krringggg!!!

Tumunog ng malakas at matagal ang alarm bilang hudyat na magsisimula na ang klase. Uminggay ang hallway at ang classroom namin dahil nagkakarandapa sa bilis ng takbo ang lahat. Maya-maya lang ay pumasok na ang guro at nagklase.

Wala pa rin akong maintindihan sa itinuturong aralin ng guro. Puno ang isipan ko. Mabuti at hindi ako natawag sa oral recitation.

11:45 a.m

Malakas talaga ang tama sa'kin ni Lite. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase at tanghalian na. Buong oras akong naging lutang kakaisip sa kaniya at sa mga possibleng kinalaman niya sa naganap na text at pagkuha ng litrato kahapon. Nahihilo na'ko at nasusuka kakaisip.

"Hindi ka natulog? Namumutla ka," Hinipo ni Aeyi ang noo ko at kahit di niya sabihin ay alam kong nanlalamig na'ko. Nilibot ko ang tingin sa loob ng silid at nakitang kami nalang nina Aeyi at Liza ang naiwan.

"Shazhe babi, mukhang masama ata pakiramdam mo. Tara na sa rooftop, nag-order na sila," usal ni Aeyi at inalalayan akong tumayo.

∆∆∆∆

Ramdam ko ang titig ng lahat sa akin. Tapos na silang kumain kaya na sa kanila ang oras para ipukol ang tingin sa akin. Hindi man sila umimik pero alam ko ang gusto nila: ang magsalita ako. Madali lang siguro ang basahin na may bumabagabag sa'kin.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now