Chapter 13: Gambling

239 12 0
                                    

SHAZHE'S P.O.V


Nagmamasahe ako sa mga balikat ni Zheil nang now of nowhere ay nagsalita siya sa rason kung bakit sumali siya sa grupo namin. I find it new cause we don't talk about this in our group; our reason is something we kept for ourselves even though we've been together for three years.

"Sumali ako sa grupo natin dahil magkaibigan kami ni Haerone," biglaang panimula. My hands massaged his shoulders slower to ensure that I can follow him. "Tanga at lampa talaga siya noon. I'm happy that he's doing good and made it this far, pero gaya ng unang pangako ko sa sarili kung bakit ako sumali, I'll die for him in this battle. I'm keeping my word," patuloy niya.

Natigilan ako sa pagmasahe sa dalawang balikat niya. He's willing to die for him?

Napansin niya sigurong napatigil ako kaya nilingon niya ako at hinawakan ang kaliwang kamay kong nakapatong sa isang balikat niya gamit ang kanang kamay. Hinapalos niya ang kamay ko.

"Bumalik na tayo," yaya ko nang makita ang relo sa pulsuhan ng kamay niyang nakapatong sa kamay ko.

Tumingin siya sa relo niya at nakitang magtatanghalian na. Bilang pagsang-ayon ay tumango siya at hinablot ang bag sa tabi niya sabay tayo. Tumayo na rin ako at bumaba kami sa rooftop para maglakad pabalik sa silid aralan.

"Saan naman kayo nagpunta?" malokong tanong ni Mauron nang mapansin ang pagbalik namin ni Zheil. Sa tabi niya ay nakatingin sa amin si Haerone na nakangisi ng maluko. 

"Sa rooftop," maikling sagot ko bago naupo sa tabi ng natutulog na si Tiffany.

"Bakit nandito pa kayo? Labing pitong minuto nalang at lunch break na," tanong ni Zheil nang makaupo sa tabi ni Haerone.

Eksakto ay nasulyapan ko ang mga sampong piso sa apat na mesa rito sa grupo namin. Naningkit agad ang mga mata ko at napatingin sa kamay nina Aeyi, Liza, at Quazil na maganda ang pagkakahawak sa baraha. Naglalaro sila ng Tong-its at may pustahang nagaganap.

"Sina Tiffany at  Aeyi wala pang lugi," busangot na komento ni Aira habang katabi si Quazil na seryosong nakatingin sa baraha nilang hawak ni Aira.

"Last na 'to, wala na'kong pera," reklamo ni Liza kaya naalerto si Shaun sa tabi niya.

"Hey, trust me," pagkontra ni Shaun sabay tingin sa baraha nila.

They're playing by pair.

Bakit sila nagpupustahan dito? Alam naman nilang bawal. It's against this school's ethical code. Mainit pa naman ang grupo ni Mae sa'min kaya paniguradong makakarating agad ang balitang 'to kay HT.

Mabilis na binilang ng mga mata ko sa halaga ng baryang nasa mesa nila at nakagat ang labi ng pitumpu't limang piso ang pinakamaliit habang dalawang daang piso ang pinakamalaki. Nahagip ko pa ang tatlong beer, na nasa loob ng malaking pula na C2; kung hindi ako ang nakakita ay hindi halatang beer ang laman, na malayang nakaipit sa hita nina Aeyi, Haerone, at Quazil.

Ano ba sa tingin nila ang pinagagawa nila?!

"Ilang ulit mo na 'yang pangako. Baka nakalimutan mong tayo ang may pinakamalaki'ng lugi Shaun," sagot ni Liza kay Shaun. Ngumisi ng parang tuta si Shaun sa kaniya at hindi na umimik pa.

"Let them be," mahinang sabi ni Haerone sa'kin habang nakaupo sa harapan ko.

Kinalma ko ang sarili sa narinig mula sa kaniya. Siya na naman ang may pakana. Does he know how to think? He's always the leader of having our members break  rules.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now