Chapter 23: Pretty Lady

205 11 0
                                    

SHAZHE'S P.O.V

Nandito sila.

The men in black suits are here, in front of our house's main door. They are talking with my mother. Almost a whisper. Napakaseryoso nila.

Mula sa kinauupuan ko dito sa kusina ay natatanaw ko silang nakatayo sa maliit na daanan ng labas ng bahay. Hindi ko alam ang pinag-uusapan at pakay nila kung bakit sila naparito. The last time I've seen them is that time they were hiding.

Napatungo sa harapan ng mesa ang mukha ko nang may mapansin. My eyes widen trying to decipher what the man was pulling out from his pocket. Isang baril na may mataas na nguso. Base sa narinig ko kay papa, step father ko, silencer ang baril na iyon.

Nanigas si mama sa kinatatayuan habang kinakausap ng lalaking may kinukuhang baril. I shot back on my seat when the man looked at my direction. Nagtama ang mga mata namin kaya napalunok ako.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

Isang araw ay narinig ko nalang ang usapan mula sa kusina. Nag-uusap nang masinsinan sina mama at papa. Father was holding his temper back.

"Nandito sila kahapon, 'di ba?" galit na tanong ni papa.

Napahinto ako sa hagdanan at mainggat na nagtago. Pakiramdam ko ay kailangan kong marinig ito. It might be about those men.

"Ano ba'ng gusto nila? Hindi na nga tayo lalaban sa korte 'di ba?" Ngayon ay tumataas na ang boses ni papa.

"Aalis tayo."

"Wala tayong mapupuntahan, Marta."

"Papatayin niya tayo! Alam ko ang galaw niya."

Late kaming nakapasok. Usad pagong sa EDSA kahit alas sais pa. Dagdagan pa na malakas ang ulan at hangin kaya wala kaming nagawa kundi sumilong muna.

Sira ang mukha ni HT habang nakatingin sa'ming lahat na nakatayo sa harapan ng mesa niya rito sa loob ng opisina niya. Nakahalukipkip siya sabay hinga ng malalim. Handa na sana niya kaming sigawan dahil sa labin-limang minutong late namin nang pumasok si Samarra.

"Good Morning HT," bati niya sa magalang na boses habang nakangiti.

Ang kaninang binagyong mukha ni HT ay nakakita ng bahaghari. Bumait siya bigla at tila mahinhin kung ipagaspas ang pamaypay niya.

"Hello. How may I help you Miss Samarra?" mabait na tanong ni HT.

Ngumiti ulit si Samarra sa kaniya bago kami sulyapan. Aksidenteng nagtama ang mga mata namin na agad kong iniwas. Hindi pa rin ako kumportable sa bawat galaw niya lalo na't iba ang nararamdaman ko.

"May you release them?" turo niya sa'min kaya alangin na napangiti si HT sa'min. "Sila lang kasi ang friends ko. I'm still adjusting, they might help me," masiglang dugtong niya.

"Maganda siya babi, pero kailan natin naging 'friend'?" bulong ni Aeyi sa tabi ko.

Napangisi ako at nagkibit balikat. Wala rin akong maisip pero bahala na ang magandang babaeng ito. Sakto ay inaantok ako kaya papakinabanggan ko nalang.

"Oh really?" Kunwari ay natutuwa pero nanghuhusga na pala sa'min ang mga mata. Siguro sa isip nito ay: 'Bakit sila? Bad Influence.' Ayaw niya nun? Mabangis kami sa baril kaya may matutunan ang mahinhin na si Samarra.

Magkakasunod na tumango si Samarra kay HT. Hindi na rin nawala ang nakakahalinang ngiti niya na ikinailing ko. This pretty lady is way too soft and too good to be true. How will she survive life? Then again, she's rich.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now