Chapter 6: Lite

318 16 2
                                    

AEYI'S P.O.V

Tinignan ko muna si Sharlett kung seryoso ba siya. Straight face lang siya kaya napabuntong hininga ako. Siguro nga ay dapat ko munang isantabi ang galit ko sa lalaking 'yun.

"Hello, sino 'to?" tanong ni Lite sa kabilang linya. Halatang pagod siya sa tono ng pananalita niya.

Matagal bago ako nakasagot dahil pinangungunahan na naman ako ng galit. Kami ang galit pero siya pa ang nagbura ng numero.

"Aeyi Nam," malamig na sagot ko. Natigil ang kabilang linya kaya naghintay muna ako saglit. Nagulat ata dahil tumatawag pa rin kami para sa libreng tulong niya.

"Nasa'n kayo? May nangyari ba kay Sharlett? Papunta na, maghintay lang saglit," wika niya na may himig ng pag-aalala at nawala bigla ang pagod sa boses niya. Maririnig ang pagtayo niya at parang nagmamadali.

"Send ko address mamaya," sabi ko nalang at binabaan na siya.

'Pag ba may ginawa na naman siyang ikakapahamak ni Sharlett ay malilintikan talaga siya sa akin. Ilang ulit na at hindi talaga namin siya maintindihan. 'Di bale, simula bukas ay maghahanap na'ko ng iba dahil hindi pwedeng siya nalang ulit. Sariwa pa rin ang galit ko dahil maglilimang buwan pa lamang ng mangyari 'yun.

SHAZHE'S P.O.V

Habang wala pa si Lite ay inabala ko ang sarili sa paglibot ng tingin sa loob. I have to distract myself from too much worrying to keep my anxiety at bay. Unang dumapo ang mga mata ko sa sliding door na pintuan. Malapad ang bukana nito kagaya ng sa ospital. Sunod ay dumapo ang tingin ko sa hospital beds kung saan sila nakahiga

Wrong move. Bigla akong nalagutan ng hininga.

Nag-iwas ako ng tingin at pumikit kasabay ng paghinga ng malalalim. Pinanatili kong kalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pagbigay pansin sa
baho ng alcohol na naghahari sa kwartong ito.

Nang ayos na ako saka ko pa napansin kong gaano mas lalong lumakas ang agos ng dugo ni Haerone sa tagiliran. I pressed my hands harder against the clothes to prevent the rushing blood from escaping. Nawindang ulit ako sa kakalipat ng pagpigil sa umaagos niyang dugo dahil hindi lang sa isang bahagi ng katawan niya ang may malalang tama.

7:35 p.m

Tatlumpu't tatlong minuto pero wala pa rin siya. Abala nga talaga dahil residency niya parin hanggang ngayon bago maging isang ganap na doktor. Sana lang ay kakayanin ng mga abnormal na 'to.

Hindi nagtagal ay marahas na bumukas ang sliding door. Agaw atensyon iyon kaya sabay kaming napatingin nina Wayne at Aeyi. Bumungad sa amin ang isang humahangos at nakahelmet na lalaki. Tagaktak ang pawis niya at halatang pagod base sa maputlang labi niya at malaking eyebags.

∆∆∆∆

10:45 p.m

Nandito na ang mga wala kanina. Pinaalam ko sa kanila kaya agad silang nagpunta. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa'min kung ano ang nangyari kaya mabuti kung magsalita na sila ay nandito kaming lahat nang sa ganun ay mapagplanuhan namin ang susunod na gagawing hakbang. Marami kaming galit na mga kalaban kaya hindi namin alam kung sino sa kanila at mas mainam din kung nandito ang lahat dahil hindi namin alam kung kailan ulit sila aatake--- mabuti ng mabantayan namin ang bawat isa.

Kahit na nakaupo sa labas ng ER ay hindi pa rin kami mapakali. Tahimik ngunit mabigat ang hangin dito. Hindi sa ngayon lang 'to nangyari, kung tutuusin ay maraming ulit na, pero hindi pa rin kami masanay. Binibingi na kami ng lakas na kabog ng dibdib namin.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now