Chapter 11: Bloody Fight

287 13 0
                                    

SHAZHE'S P.O.V

Ilang minuto ang nakalipas ay humupa na rin ang sakit ng ulo ko kaya tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maligo. Malamig at nakakamanhid ang tubig kaya bahagyang napaigtad ang katawan ko. Maya maya ay sumagi na naman siya sa isipan ko kaya nahinto ko ang shower ng wala sa oras.

"Time of death: 8:45 a.m..." anunsiyo ng doktor habang katabi ko ang mga pulis at sa mga oras na 'yon ay nakatunganga lang ako sa katawan niya. Empty and feeling drown.

"Sharlett... babi!" Malakas at buo ang katok. Napaigtad ulit ako kasabay ng aksidenteng pagbukas ng shower. Damn, the water is way more colder. The shiver it sent was immense.

"B-bakit?" nanginginig na tanong ko nang mapatay ang shower.

"Kanina pa kita kinakatok," panimula niya. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

"Oo." Tumango ako kay Aeyi kahit hindi niya kita. Pagkatapos kong sumagot ay nagpaalam siyang umalis.

∆∆∆∆

Nang makalabas mula sa underground ay nakita ko agad silang nagtipon sa sala at abalang kumakain sa mesa. Kagaya ko ay nakabihis din sila ng Code Red without wearing the head part. Sa hita rin nila ay may nakadikit na matulis na punyal. Napangisi ako nang makita ang bagong improvement sa suit namin. From the arm up to the upper elbow ay naglagyan na ng tinik na gawa rin sa metal. Napakatulis tignan. Matulis talaga kaya sa pag-upo sa upuan ng sala ay walang nagdikit para iwas aksidente.

Sa galaw at suot nila, masasabi kong kahit papaano ay handa na kami.

Naglakad ako para maupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Zheil. Zheil noticed my presence beside him so he gently grab my hand to have me seated beside him. He kiss my cheek before handing me three peeled eggs.

"Kumain ka ng marami," malumanay na ani niya at kumain ulit.

Nilagay ko ang head part ng Code Red sa gitna ng dalawang hita para makakain ako ng maayos. Una kong kinain ang bigay na tatlong ni Zheil bago kumain ng dalawang mansanas at limang piraso ng malalaking grilled meat.

"Milk." Tinanggap ko ang malaking baso ng gatas na inalok ni Zheil sa'kin at ininom. Sakto ay parang puno na ang bibig ko kaya kailangan ko ng pantulak.

Nag-abot ang kilay ko nang humalik na naman sa pisngi ko si Zheil.

Na paano ba'to?

"I'm being transparent habang buhay pa'ko at ikaw," maikling paliwanag niya at sumilay ang matamis niyang ngiti.

"21 minutes left to eat," pagbibilang ni Haerone kaya medyo binilisan kong ubusin ang natitirang grilled meat na kinuha ko at sinabayan ng pag-inom ng gatas para mas mapadali ang pagkain. "Sa labanan, ang isipin niyo lang ay ang rason kung bakit tayo nagkakaganito," wika ulit niya matapos kumain.

Bahagyang natigilan ang lahat.

"Are you willing to risk your lives, again?" seryoso, matalim at buong tanong ko habang nakatingin sa kanila.
Tumango silang lahat bilang sagot at tumango rin ako pabalik.

"Dito nagsimula ang lahat..." naiwika ko sa sarili habang nakatingin sa labas ng bar mula sa loob ng kotse. Kung titignan ay mahahalatang abandonado na ang bar. The place from outside was already eerie, kaya panigurado sa loob din nito. Nostalgic tragedy took over its aura.

Nabaling ang paningin ko sa umiiyak na bata sa likuran. This kid is already six year-old pero iyakin pa rin. Kamukhang-kamukha talaga siya ng nanay niya pero kung mas titignan ay may pagkakahawig kami.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now