SHAZHE'S P.O.V
Isa.Dalawa.
Tatlo...
Ang dami nila. Hindi ko mabilang ang mga taong nasa unahan. Mukhang hindi sila taga-rito. They are on their suits and currently hiding in some parts of this area.
Ano ang ginagawa nila rito? Mukhang hindi naman sila nakikilamay kay kuya Jano. Wala naman kasing nakikilamay na nakasuot ng magagarang suit; lalong walang nakikilamay na nakatago.
Mula sa balkonahe ay hindi ko maiwasang isingkit ang mga mata para mamataan sila sa paligid. They are great at hiding, I guess. Mukhang walang nakakapansin sa kanila maliban sa'kin. Pero bakit? May kinalaman ba sila kay kuya?
Men in black suits. They all have a well-built body. Gumagalaw sila ng may pag-iingat kaya nagsisimula na akong magtaka.
"Napakaraming tao naman! Akala mo eh nakikiramay! Eh nandito lang naman dahil sa mga pagkain! Naku naku, ang lalaki lumamon!" rinig kong reklamo ni mama na kakaakyat lang dito sa taas.
Umalis na ang mga nakamatyag kaya tumayo na'ko para magtungo sa baba. Hindi titigil sa kakaputak si mama kaya bababa na'ko. Siguro ay makikikain nalang ako sa baba para naman mapakinabangan ko ang mga kinakaputak niya. At least ako na anak niya ang makikikain.
"Oy ineng, bakit nabaril? Ano'ng dahilan? Ang amo ng mukha, tapos mababaril?" bungad sa'kin ng tsismosang kapit-bahay sa oras na makababa ako mula sa taas.
"Ikaw, walang pake sa buhay, tapos nakikipake sa iba?" walang ganang sabi ko bago siya lagpasan para maki-kape.
Sinabihan pa'kong walang modo at inirapan. Akala niya naman may modo siya sa lagay niyang 'yon. Malamang na mabaril at mapatay dahil tao si kuya! Kinalaman ba ng mukha sa baril?
"Ganyan talaga, kapag maamo ang mukha, patagong makasalanan!" dinig kong tsismis nang makalagpas ako sa harapan ng kabaong ni kuya para makikape sa mesa.
Sa niliit ng bahay namin, nakikilamay pa sila para makikain at makitsismis. Tama nga si mama. Mabuti pa'ng ubusin ko na ang mga kape at tinapay dito.
"Yan kasi, baka kunwaring nag-aaral ng mabuti. Imposible namang mahold-up, sa kahirapan nilang ito? Hinati-hati nga lang ang mga tinapay tas matabang pa ang kape!" sagot niya sa babaeng kausap.
Mabuti sana kung mahihina boses nila, rinig na rinig ko naman dahil nasa harapan sila ng kabaong ni kuya. Hindi na nahiya. Edi sana ay nag-sponsor sila! Akala nila nakaka-angat na sa buhay, kumakapit lang naman sa afam ang anak niyang mukhang kanal.
"Kay buting bata, namatay. May kinabukasan pa sana," komento ng isa sa mga nakikilamay.
Napapairap nalang ako sa kinauupuan nang marinig iyon. Ganun ba talaga? Noong buhay pa si kuya, puro pangungutya. Paano maririnig ni kuya ang puri niya kung patay na? Ano susunod siya?
"Babi! Si Samara raw ang dadating!" malakas na wika sa'kin ni Aeyi sa tabi ko.
Nakatayo kaming dalawa sa isang table habang may hawak na baso ng wine. Malakas ang tugtugin at maraming mga estudyante sa palagid. Sa unahan ay may sayawan at sa paligid naman'y may mga maraming pagkain kaya wala ang iba sa'min.
![](https://img.wattpad.com/cover/79954652-288-k90394.jpg)
YOU ARE READING
Gangster Leader
RandomA strong and independent young lady who she never imagine she will be, found her self funding a group. Lost, curiosity, and justice are what made them as one. Different stories, different reasons---are things they couldn't share. Will this journey l...