SHAZHE'S P.O.V
Magulo ang kapaligiran, at malabong mapapadaan si kapayapaan. Sa madaling salita, walang kainosentehan. Kapag mahina puso mo, umuna ka nalang sa hukay o kundi ay magpatanggal ng mga mata dahil paniguradong hindi mo kakayanin ang makikita mo sa posisyon namin--- basag na mga mukha ng kalaban, mga nagkalat na dugo sa lupa, at mga sugatang katawan.Ilang taon ba kami, ilang taon nagsimula, nang nasanay na kami sa ganito?
Sadyang may mga tao talagang pinagpala. Napapaisip ako, kapalaran ba ang salarin o ang mismong sitwasyon sa buhay? Pero kung tutuusin, parte ng kapalaran ang sitwasyon sa buhay. Napakasalap.
Kung totoo ang reinkarnasyon, gusto ko nalang maging....
"Hotdog!"
Puwersahan akong napaatras papunta sa likuran ni Wayne nang bayolenteng hinila niya ang braso ko. Sa mismong braso pa talaga na may pasa.
"Akin to si taba, jumbo hatdog. Nanggigigil na'ko," mahinang wika niya habang nakatalikod sa akin. Todo niyang inunat ang katawan bago pinosisyon ang sarili sa pakikipaglaban sa dambulahang lalaki. Mataas at malaki ang katawan ng lalaki.
Handang-handa si Wayne kaya hindi na ako umapela. Sa amin, grabe 'to kapag nangigil kaya ayos lang siya.
Iginala ko ang paningin sa paligid at ngayon lang napansin ang detalye nito. May mga poste pero dalawa lang ang gumagana--- gumagana pero parang mga bituin na kumikislap.
"Twinkle twinkle little star..." mahinang pagkanta ko habang nakatingin sa bawat pagkislap ng dalawang poste.
Kaya siguro ganito nalang ang mga ilaw dito ay dahil walang mga bahay sa paligid.
"Shit," mahinang mura ko nang mahampas ng malaking kahoy ang batok ko. Nalingat lang ako saglit.
Hinarap ko ang sinumang humampas sa'kin kasabay ng pagsipa ko sa tiyan ng taong iyon. Nang matumba siya ay inupuan ko ang tiyan niya para paulanan ng magkakasunod na suntok ang mukha niya.
Ahh...
Ang sarap sa mga kamay ang makasuntok ng mukha. Nakakabuhay ng enerhiya at nakakatanggal ng antok. Sa una? Nakakatakot, pero habang papatagal, mas gugustuhin ko nalang kaysa sa ako ang makantahan ng requim nang hindi pa nakakamit ang hustiya. Bawal ako mamatay, kasi kapag nagkataon, sana pala ay nagpakamatay nalang ako sa umpisa palang ng hindi na'ko nagsasayang ng panahon sa pagpasok ng ganito; bawal ako mamatay dahil nasimulan ko na.
Nakauwi na sana kami mula rito sa probinsya kung hindi lang kami naharang.
"Sharlett sa likod!" rinig kong sigaw ni Tiffany pero huli na. Eksakto, paglingon ng mukha ko ay siyang paghampas ng baseball bat sa ulo ko. My head was hit as if it was the baseball. Lumipad ang katawan ko pagilid habang nauna sa pagbagsak ang mukha. Mabuti nalang ay naitukod ko agad ang mga palad kaya hindi malakas ang pagkasubsob ng mukha ko sa kalsada.
My vision spun around. Pakiramdam ko ay panandalian akong nilayasan ng kaluluwa lalo na nang kumirot ang pasa sa batok ko.
"Tanga!" sigaw sa'kin ni Haerone matapos mapatumba ang lalaking masculado sa likuran ko sa pamamagitan nang pagturok ng syringe na may lamang Ramelteon (Rozerem) at pinaghalong marijuana.
Pinanliitan niya'ko ng mga mata habang tinutulungan akong tumayo. Ngumisi lang ako sa kaniya imbes na magpasalamat.
"Dodge!" naisigaw ko bigla kasabay nang paghila ko sa braso niya papuntang likuran ko. Two loud bang echoed on this street as it seemed like two persons got hit on their heads. For the record, nahihilo na'ko sa umiikot kong mundo. Sa pangalawang beses na natamaan ang ulo ko, I feel like puking.
YOU ARE READING
Gangster Leader
RandomA strong and independent young lady who she never imagine she will be, found her self funding a group. Lost, curiosity, and justice are what made them as one. Different stories, different reasons---are things they couldn't share. Will this journey l...