Chapter 25: Stop

213 7 0
                                    

SHAUN'S P.O.V

We're at the back of a high wall and surrounded with gigantic trees. Grabe, nakapadilim na. If not for the lights inside this mansion then we can't see anything. Why did she do that anyway? What for kung uuwi lang din naman siya.

"Paano ka aaykat nito? It is already past 9 in the evening," wika ko habang nakatingala sa matayog na bakod. Gawa sa purong semento ang bakuran at napakataas na animo'y may isang presidente ng buong Asya ang nakatira. Kung makalagay din ng ilaw sa palibot ng bakod ay tila nagmamay-ari sila ng pagawaan ng mga ilaw. Muntik ko ng makalimutan na ang pera para sa skincare ko for a week eh pang isang oras na gastos lang pala ni Samarra.

"Hindi ko alam," mahinang bulong niya kaya agad akong napatingin sa kaniya. 

"What?" panimula ko. "Why did you run anyway if you will just go home," dagdag ko sabay tingin sa relo. This kid is a headache. May ensayo ba kami ngayon? Kasi kung oo lagot ako kay Sharlette. Ano ba kasing ang pumasok sa isipan niya? She is giving me wrinkles.

"I can sneak in." Umangat ang isang kilay ko sa sinabi niya. Is she kidding me? Why would she sneak in kung mansion naman nila ang papasukin niya? Napaghahalataang hindi sanay ang isang 'to sa pagre-rebelde. She must be living her life as a perfect daughter. Isa pa, halata naman na hindi niya alam paano papasok sa loob ng mansion nang hindi nalalaman ng mga nasa loob. 

"This won't do," wika ko bago hilahin ang pulsuhan niya. We have been standing here for almost twenty minutes. Kung mananatili kaming nakatayo lang dito ay walang mangyayari. Sana sinabi niya sa akin na magpapaturo siya kung paano mag-rebelde nang sa ganun ay hindi sasakit ang ulo ko. Bakit ba kasi bigla bigla ang siya eh wala pa naman siyang training. Marami pa ang dapat matutunan niya. "I can train you how to rebel or at least sneak in you know," diretsong sabi ko sa kaniya habang hinihila siya papunta sa parte ng bakuran nila na malapit sa gate. 

"Do you have something you are stupid of?" Nangunot ang noo ko at napatigil. She is so random. "In exchange, I'll train you too in that area," dagdag niya na ikinatawa ko. Patawa. In fact, siya ang dapat may matutunan sa akin.

Napatawa ako bago nagsalita. "Sorry to disappoint you Miss Samarra but my intelligence extends outside the school," wika ko sa palabirong mukha bago siya hinila para maglakad. Hindi siya umimik pero batid kong nag-iisip siya ng malalim. Siguro naghahanap siya ng aspect kung saan ako bobo. "Why are you thinking so hard?" tanong ko habang iginagala ang paningin sa paligid at naghahanap nang puwedeng lusotan papasok sa loob.

"Walang taong matalino sa lahat ng larangan." 

Napatango ako bago sumagot. 

"Pero may taong walang paki sa ibang larangan. Shaun only cares for the areas that concerns and intrigues him," sagot ko bago siya sinandal sa may pader nang makitang nagkukumpulan ang mga guwardiya sa labas ng gate. Dumami ata sila? Hindi naman ako informed na prinsesa pa ata itong kasama ko. Baka kidnapper na ako niyan.

May ilaw ng kotse ang papasok sa loob base sa nakikita kong ilaw sa kalsada kaya umusog kami papagilid. 

Sa taas ng bakod nila ay wala na akong maisip na ibang paraan. The only way of her getting inside is to pass through their gate. No choice so I have to pull some stunt.

"Maghubad ka," diretsong utos ko sa kaniya habang naghuhubad ng damit. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at napatras.   

SHAZHE'S P.O.V

Quarter to ten in the evening and still no Shaun. Dalawang oras na kaming nag-eensayo pero wala pa rin siya. He was with Samarra when he left. 

"Nag-text ba si Shaun ng rason niya?" tanong ni Aeyi habang umiinom ng tubig sa gilid ko. Umiling ako sa kaniya bago naupo sa tabi niya para magpunas ng pawis. 

Tumunog ang cellphone ko kaya napalingon ako sa gilid. Isang mensahe ang bumungad sa akin galing sa numerong hindi ko kilalala. 'Stop what you are doing,' ang nakabungad na sulat ng mensahe kaya napakunot ang noo ko. Kinuha ko ang cellphone sa tabi ko para basahin ang kabuoang mensahe.

From: 09 143 +++ +++

Stop what you are doing. Hindi mo magugustuhan ang sususunod na mangyayari. I have been watching you. 

Mas lalong nangunot ang noo ko. It can't be a prank from my members because no one is with their phones and busy with their training. 

Hindi naglaon ay nag-text ulit ang parehong numero. 

Sharlette Zheni Pressman, you only have one week to stop. 

Napa-angat ang gilid ng labi ko sa nabasa kasabay nang pagtigil ko sa pagpupunas ng pawis. Who the heck is this person? Paanong alam niya ang kabuoang pangalan ko?

SHAUN'S P.O.V

"Magandang gabi po, dito po ba nakatira si Alissa?" tanong ko sa seryosong tono. Nagkatinginan ang mga bantay bago sabay na umiling sa akin. Suot ko ang polo ni Samarra na pinatunggan ko ng jacket ko. Masikip para sa akin ang polong uniporme niya. It's not that she has a petite frame but because I am a masculine guy. Mabuti nalang may jacket ako kaya hindi masyadong halata na pambabaeng polo ang suot ko. Mula sa kinatatayuan ay nakita ko siyang mainggat na pumapasok sa loob. Sammy is wearing my polo and extra pajama. Nagmumukha siyang lalake sa maluwag na suot niya.

"Please leave this area sir. No Allisa is here," sagot sa akin ng isa sa mga bantay habang seryosong nakikining sa earpiece. 

"Alli Sasa?" singgit ko agad sabay hawak sa kamay ng lalaki nang lilingon na sana siya sa gawi ni Samarra. Lumingon sa akin ang lalaki bago umiling. Nilingon ko ang pitong mga bantay na nasa likuran niya na abala sa pag-uusap. Ang dalawa ay iyong humabol sa amin ni Samarra na ngayon ay kasalukuyang sinesermonan. 

"We are busy. Please leave," seryosong wika niya na sumakto sa naramdamang kong vibration ng cellphone ko.

Tumango ako sa lalaki bago nagsalita.

"Sorry, wrong mansion," wika ko at naglakad palayo. 

Nang maka-angas sa motor ko na nasa unahan ay saka ko sinagot ang tawag galing kay Samarra.

"Hey!" Inilayo ko ang tenga ko sa lakas ng boses niya. "Don't do that again! I'm a minor and yet you have the guts to take your polo off in front of me?! What the fuck!?" galit na wika niya sa akin. She sounded like a beast.

"Matulog ka na."

"How can I sleep with what I saw?!"

Saw what? Masculadong katawan ko lang naman ang nakita niya. It's nothing. 

"Hey skin care bud, bakit parang ako ang lugi? It's not that I saw yours," wika ko sa kaniya at natahimik ang kabilang linya. I turned around when she changed. I don't want her to feel uncomfortable. "Go to sleep. Good night," dagdag ko bago patayin ang tawag at pinaharurot ang motor.

Pagkaparada ko ng motor sa Headquarter namin ay saktong magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Nagitla ako sa bilis ng pangyayari. Nabasag ang bintana sa harapan ko at muntikan nang matamaan sa pisngi ang ngumingising si Wayne na nasa loob ng HQ. Mabuti ay nahila siya ni Sharlette papaupo.

 "Down, Shaun!" sigaw ni Zheil sa akin sabay hila sa akin pababa. 

Itutuloy..........

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now