Chapter 10: Training

283 14 0
                                    

SHAZHE'S P.O.V

Suck, muscle pain is really one kind of a bitch. Tanghalian na pero nagmimistula pa ring lantang gulay ang katawan ko. Pakiramdam ko ay parang nabalian ata ako ng buto kahapon at nabugbog ang katawan dahil sa ginawang CODE 17:4:3 testing. That code is really something. Hindi naman sa hindi kami nakapag-gym o nakapag-ensayo na para maihanda ang katawan, sadyang mahirap lang talagang igalaw kapag meron 'yon. It really needs a bigger portion of equilibrium.

"Here." Napalingon kaming lahat sa inilapag ng kakarating lang na si Zheil. Mga hindi mabilang na Salonpas ang nasa loob at parang inubos pa ata sa dami ng binili. Nagsikuha sina Aira kaya kumuha rin ako ng tatlo para sa sarili ko at nilagay sa bulsa.

"Heto na po mga prinsesa," nakangiting wika ni Quazil na kararating lang din kasama sina Mauron, Shaun, at Haerone na nasa likuran niya. Dahan-dahan ay maingat nilang inilapag ang tray sa mesa bago naupo. Kumuha ang lahat at nagsimulang kumain.

"Na pa'no ka?" tanong ni Liza kaya napalingon ang lahat kay Haerone. Kakaiba ang aura ni Haerone at napakaseryoso. Hindi siya lumingon na tila ba isang bingi kaya nagkibit-balikat nalang ang mga lalaki at naging abala na ang lahat sa pagkain. Hindi na rin nila kinulit. We know that we have different stories that we just couldn't share. We even barely really know each other. Not a big deal.

∆∆∆∆

3:44 p.m

May ilang minuto nalang at uwian na. Gusto na parang hindi ko pa gusto mag-uwian o matapos man lang ang oras na 'to. Kinakabahan ako at hindi mapalagay kaya kailangan ko munang pumikit para pakalmahin ang sarili. I am used having fight, but tomorrow is the one we were excited for and waited for almost three years. Worst is, I have this pessimistic mind.

"Sharlett." Napamulat ako ng mga mata nang may tumawag sa akin at nakita si Haerone. Nasa gilid ko siya at magaan na nakapatong ang kamay sa balikat ko. "Stop thinking things. Tara na, nakalabas na sila," kalmadong dagdag niya kaya napalingon ako sa paligid at tama nga siya.

Dalian ay kinuha ko ang bag sabay tayo at lumabas na kami. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating sa parking lot. Malayo pa lang ay maririnig na ang nagkakaibang inggay na binubuo nila.

"Hooman, you're here," nakangising sabi sa'kin ni Shaun na abala sa pagsasaayos ng kalagayan ng sarili niya. Kahit ang maliit na pagkalukot ng collar niya ay inayos niya pati ang maliit na alikabok sa sapatos ay nilinis. Napangiwi pa siya nang makita sa side mirror ng motor ko ang maliit na muta sa mata niya. Kinuha niya ang muta sa mata at pinitik paalis sa hinlalaki niya. Best neat in clean ng grupo.

"Ladies, masakit pa ba?" malumanay na tanong ni Haerone matapos magbuntong hininga. Tumango lang sila bilang sagot. "Sige, it's on me.Magpapamasage therapy tayo. Bawal na muna kayong mag-ensayo mamaya. You deserve a rest," dagdag niya.

"Pati ba kami?" nagagalak na tanong ni Mauron habang abala sa pagkain. His mouth was full when he spoke kaya hindi naiwasang maglalagan ang ilan sa kinakain niyang strawberry cake. Tumango lang sa kaniya si Haerone habang bahagyang hinihilot ang sentido. "Salamat Ezriell!" pumalakpak siya at nakatanggap ng panliliksik ng mga mata dahil tinawag niya sa ikalawang pangalan.

∆∆∆∆

Sa isang kilalang mall sa Parañaque namin napagpasiyahan magpamasahe. Magaan at masarap sa pakiramdam ang ginagawang pagmamasahe habang banayad na gumagalaw ang mga kamay ng masahista. They are really paid for something, kakaiba ang mga kamay nila.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now