QUAZIL'S P.O.V
Napakatahimik sa hapag kainan. Nakahanda na ito ngunit walang maririnig na kahit ano. Purong abala sila sa pagtingin sa sunog na bacon na nasa isang malaking pinggan. Kinakabahan tuloy ako lalo at mas ramdam ang panlalamig.
Wala na bang second chance? May bacon pa naman siguro sa ref at sagana pa rin naman kami sa mantika.
Nakakatakot si Sharlett. Ayaw ko ng mga mata niya, kung manliksik ay parang tigre pero kahit anong iwas ko ay mapapalingon ulit ako eh. Kanina pa'ko nabibingi sa lakas ng kabog ng puso ko.
Mabuti nalang talaga ay naghanda ako ng grape juice para kahit papaano ay may magandang tanawin sa lamesa. Dahil palpak naman din ako sa pagluto. Pinaganda ko nalang din ang paghanda sa lamesa--- may pistachio green cloth sa ilalim ng dinner plate ng lahat habang sa kaliwang bahagi nito ay ang kutsara at tinidor na nakabalot sa iisang tissue tas sa kanan ay ang kumikinang na baso; may nakapatong pa na ash gray table napkin sa ibabaw ng plato nila na three cornered hat ang design.
Ayos na ayos ang mesa eh. Panira nga lang iyong sunog na bacon!
Nakagat ko ang ibabang labi at awtomatikong nasiko ng malakas sina Mauron at Shaun---na parehong nasa tabi ko--- nang magbuntong-hininga si Sharlett. Sa totoo lang, kanina ko pa sila sinisiko pero hindi ako pinapansin, 'yan tuloy napalakas na ang pagsiko ko sa kanila.
"Ang kanin?" kalmadong tanong ni Sharlett kaya siniko ko si Shaun at kinirot niya ako kaya wala sa oras akong napatayo. "Pakikuha Quazil," utos niya pero nanatili lang akong nakatingin kay Shaun. Ang daya, ako na naman! Siya nagluto nun eh....
Wala na'kong nagawa kundi puntahan ang rice cooker at maingat na kinuha ito bago bumalik sa mesa para ilapag. Tahimik na binuksan ito ni Sharlett kasabay ng pagpigil hininga namin ni Shaun. Bumuntong hininga ulit si Sharlett bago tumayo para kunin ang asukal at asin saka umupo ulit habang nakatingin sa'min.
"Bubuhusan ba niya tayo ng sugar and salt?" pabulong na tanong sa'kin ni Shaun.
Napa-angat ang gilid ng itaas na labi ko sa pagiging conyo na naman niya. 'Bubuhusan ba niya tayo ng sugar and salt?'
"Malay ko sa 'yo eh you nag-cook niyan," pabulong na sagot ko gamit ginaya kong boses niya.
"Basa ang kanin, sobra sa tubig pero makakain pa naman," komento ni Sharlett. Itinabi niya ang table napkin para ilagay ang sinandok niyang basa na kanin sa plato niya. Pagkatapos ay nilagyan niya ng dalawang kutsara ng asukal ang basang kanin niya at hinalo. Kumain siya. "Kumain na kayo, pili lang sa asukal at asin," dagdag niya nang mapansin siguro na nagtataka kami.
"Marunong kang mag-imbento, Sharlett?" manghang tanong ko.
"We can add our own sugar or salt level," naiusal ni Shaun sa tabi ko.
"Hoy fucker, champorado yan kapag sukal at... hindi ko alam ang pangalan kapag asin pero purong masarap kainin 'yan!" sabat ni Wayne sa harapan ko.
SHAZHE'S P.O.V
Matagal na'kong hindi nakakain ng ganito. Ang sarap talaga at nakakamiss lagyan ng tablea o di kaya'y gawing porridge. May rason talaga ang kapalpakan ng tatlo.
Naiwan sa pagkain sina Zheil, Shaun, at Quazil dahil sarap na sarap sila. Para silang patay gutom at sa tingin ko ay mukhang kukulangin ata ang nilutong kanin.
YOU ARE READING
Gangster Leader
RandomA strong and independent young lady who she never imagine she will be, found her self funding a group. Lost, curiosity, and justice are what made them as one. Different stories, different reasons---are things they couldn't share. Will this journey l...
