Chapter 22: Samarra

192 11 0
                                    

SHAZHE'S P.O.V

Everything is messed up.

Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Samarra o sadyang mapagbiro lang talaga siya. She's jolly and a happy-go-lucky lady. Unang araw palang sa paaralan ay kaibigan na niya ang lahat. And yes, she's in my class. Accelerated student.

"Hi sis!" pagtawag niya sa'kin habang naglalakad papunta sa kinauupuan ko.

Simula nang mangyari iyon, dalawang araw na ang nakalilipas, ay naging tanyag ako sa paaralan—mas naging kilala ako sa nakakailang na pamamaraan. It felt like I'm always watched. Pakiramdam ko naging limitado bigla ang bawat galaw ko. Damn, I feel like screwing up. I can sense something risky.

"Hey," nakangiting pagbati niya sabay naupo sa harapan ko.

She's too graceful to believe what she had said. Isa pa, I never knew who my father is and there isn't any proof yet. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak niya. Samarra is a complete stranger.

Hindi ko sana siya papansinin pero nakakailang ang titig niya sa'kin.

"Stop it," seryoso at maawtoridad na utos ko nang hindi siya nililingon. Inabala ko ang sarili sa pag-aaral ng Physics.

Nagbulungan ang mga tao sa paligid dahil sa pagtrato ko kay Samarra. Nailang siya bigla. Nakita ko pa ang pag-irap ng grupo nina Mae at Angel bago nila ilayo si Samarra sa'kin.

"Ay Sam here ka nalang. Let's talk, do you like barbies?" pang-aaya ni Angel habang maingat na nakahawak si Mae kay Samarra.

Barbie. Heck? Alam kong mas bata sa'min si Samarra pero Barbie talaga? Hindi ko tuloy napigilan ang pagtawa ko kaya pinanliksikan ako ni Angel.

"Potangina. Barbie?" natatawang komento ni Wayne sa tabi ko habang nag-aaral ng Chemistry.

"I'm sorry, but I prefer to talk about astrology," rinig kong maingat na pagtangi ni Samarra.

Binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak ni Mae bago magalang na naupo sa upuan niya. Sumulyap pa siya sa'kin saglit bago nagbasa ng makapal niyang libro. Sa ginawa ni Samarra ay napahiya sina Angel at Mae.

"Hoy, alam kung strangers tayo ah. Pero babi totoo ba? Kapatid ka niya?" pangungulit ni Wayne na ngayon ay bahagyang nakalapit ang katawan sa'kin para makausap niya'ko ng masinsinan. Nagkatigil pa siya sa inaaral at nag-aabang sa'kin ang mga mata.

Nagkibit-balikat ako bilang sagot at nang mapansin ang nakakailang niyang pagsusuri sa mukha ko ay  sinita ko siya.

Hindi ko alam napa'no itong isang ito pero pakiramdam ko ay kinukumpara niya ang mukha ko kay Samarra. Sa ginagawa niya ay napatingin tuloy ako kay Samarra. She's sitting elegantly with her eyes scrutinizing the book she's reading. She looked serious.

Based on what I've observed, Samarra is a bit tanned and taller than me. Her hair is silky light brown. She got a pair of thick black eyebrows and a set of deep black eyes. She has a firmer feature. To summarize, wala kaming pagkakahawig. Feature pa lang, napakalayo na.

Napailing nalang ako nang mamalayang napatitig na pala ako sa kaniya. Tinawanan pa'ko ni Wayne sa inakto ko.

"Babi, maganda ka naman, pero seryoso kaya siya?" pang-aasar ni Wayne kaya inirapan ko siya.

Nang magtanghalian na ay lumabas na kami ng grupo ko. Hindi na rin namin hinintay sina Aeyi, Liza, at Tiffany dahil sabi ni Aira ay nauna na raw ang tatlo sa Rooftop. Maraming tao sa kantina kaya medyo natagalan kami lalo na't pinagkakaguluhan si Samarra.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now