Chapter 15: Practice

272 11 0
                                    

SHAZHE'S P.O.V

Madilim at masalimuot ang mainggay na paligid. Maliit ang daanan at magkakadikit ang mga kabahayan. Marurumi ang mga kanal at basa ang lupa. May mga malalaki, maiitim at mga malulusog pang mga daga ang nagsisitakbuhan; mga batang naglalaro sa karumihan ng kanal at naghahabulan sa kaliitan ng daan habang halos bukas ang mga pintuan ng kabahayan. Mainggay at malalaki ang mga boses ng mga nag-uusap na magkakapit-bahay habang nakapagitan ang isang munting kilometrong daanan. Ang mga bahay ay kadalasang gawa sa kahoy at ang iilan ay sementado o 'di kaya'y kalahati ng kahoy at semento; may iilang hardiflex ang pader.

Walang okasyon pero may nagsisiinom sa paligid kahit maliit lamang ang daan dito. Makikita pa ang paninigarilyo ng mga tao sa labas ng kabahayan--- mapalalaki o babae, bata o matanda ay walang pili. Hindi na nag-isip kung may ayaw ba ng baho ng ibinubugang sigarilyo. Bata o matandang babae, may kolorete sa mukha ang iilang kababaihan--- ang iba kung manamit ay halos walang saplot at maarte, habang ang ilan ay manang at walang arte. Kadalasan sa mga lalaki ay tambay at may tattoo---- masculado at payat. Sa niliit ng daan, siniksik pa rin nila ang pagsusugal sa gilid.

Mainit. Nakakasakal. At mainggay. May mga basura pa sa paligid.

"SHARLEETTT!!!" sigaw ni mama mula sa baba kaya napalingon ako sa likuran habang nakaupo dito sa munting balkonahe. Balkonaheng sapat lang na makaupo ako; walang magandang tanawin dahil ang kaharap ay bahay lang din at may mga nakasampay pa.

Bago pa man sumigaw ulit si mama ay bumaba na ako. Sa hagdanan ay natatanaw ko si papa--- hindi ko ama sa dugo--- na kagagaling lang sa trabaho. Isa siyang pulis. Si mama naman ay nagpapadede kay Shauie na bunsong kapatid ko. Manang at walang arte tignan si mama.

"Nasaa'n ang kuya mo!? Mag-aalas onse na!" tanong niya na ikinailing ko. Naaawa ako sa sanggol sa kaingngayan ng paligid. "Hanapin mo nga!" inis na utos ni mama habang nakatingin sa orasan.

Napairap ako habang nakatingin sa papaiyak na sanggol. Kakapanganak lang niya tas bulabog na ang mundo. Mas tahimik pa ata ang buhay niya sa tiyan ni mama.

"Marta, babae si Sharlett. Dilekado sa labas, alam mo naman," malumanay at kalmadong wika ni papa.

"Kaya ko na po," sabat ko dahil na rin sa pangungunot ng noo. Bakit naman ba kasi gagabihin si kuya? Matino naman 'yong mag-aaral. Isa pa, sabi niya sa text kay mama uuwi ra siya ng maaga. Working at scholar si kuya kaya malabong bulakbol 'yon.
Kung matatagalan man ay nagpapaalam naman 'yon.

Ingat na ingat si mama kay kuya dahil siya ang mag-anggat sa'min sa kaharapan. Halata naman na siya ang pride ni mama lalo na't dalawang taon nalang ay gagraduate na si kuya sa kursong Civil Engineering.

"Medyo umuulan pa, heto payong oh
" Inabot ni papa sa'kin ang payong. Tinanggap ko ang payong pati ang binigay din niya na laser. "Just in case, tapat mo sa mata ng mga masasamang loob!" biro niyo kaya bahagya akong natawa.

"Dahilin mo o, sakaling tumawag si Jano." Inabot ni mama sa'kin ang keypad niyang cellphone. Tahimik kong kinuha 'yon at nagpaalam na sa kanilang umalis. "Nasa'n na ba kasi siya? Hindi natawag o na-text sa'kin. Delikado pa naman sa daan," pag-aalala ni mama.

Habang naglalakad ay giniginaw ako. Halos wala na akong madaanang maayos dahil sa baha. Umuulan kasi.

Maingat ang ginagawa kong hakbang dulot ng kadulasan ng lupa dagdagan pa ng halos mapunong kanal. Natagalan pa'ko sa paglabas sa lugar na'to dahil nahihirapan akong maglakad habang nakapayong.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now