HAERONE'S P.O.V
Sabi ni Sharlett ay matulog daw kami ng mahimbing. Masunurin naman kami kaya sa himbing ng tulog ay may naani kami. Mas matagal na palay, mas masagani at malusog. Kaya ngayon, asensunado na kami!
"Stop starring at me that way," mataray na saway niya sa'kin kaya inirapan ko siya.
"Pahamak ka talaga," busangot na reklamo ko na naman.
"Ayos na," nakangiting bungad sa'min ni Samarra matapos niyang makausap si HT.
Stucked kami ngayon sa hagdanan papuntang palapag namin. Umakyat pa kami ng bakod pero nahuli pa rin kami. Wala, matulog daw kasi kami ng mahimbing eh. Tss.
"Shut up Rone, malay ko bang masunurin kayo," sarkastikong bulong niya sa'kin pabalik.
Inirapan ko ulit siya bago nginitian si Samarra na nakatayo sa harapan namin. Naroon pa rin si HT sa likuran niya na ngayon ay akmang ginilitan kunwari ang leeg gamit ang pamaypay niya bago kami irapan at umalis. Makapangyarihan talaga si Samarra, nagagawa niyang gawing masunuring lovable-cute-puppy si HT!
"Ah, hindi niyo ba natanggap ang message ko?" inosenteng tanong ni Samarra sa'min sabay tingin sa relo niya. "8:30 na kase, you guys are thirty minutes late," alinlangang dagdag niya bago ngumiti ulit.
"Natanggap namin," walang ganang sagot sa kaniya ni Sharlett bago lagpasan si Samarra.
Rude. Napakasama talaga niya kaya pinanliksikan ko siya ng mga mata sa ginawa niya. Naghintay ata ang tao sa'min pero hindi namin sinipot.
"Ah Samarra, puyat lang talaga kasi kami. Pasensya na. Tara, pasok na tayo," yaya ko sa kaniya dahil iniwan na nila kami.
Tumango lang sa'kin si Samarra at naglakad na kami papasok ng classroom. Hindi pa man ako nakakaupo ay tinawag na'ko ng isang grim reaper.
"Hoy!" Ang lakas ng boses ng sigang ito. Mabuti ay abala ang guro sa pagsusulat sa board. Hindi ko na rin hinintay na tawagin niya ulit ako kasi baka masaway pa kami kaya naglakad na'ko papuntang pintuan.
"Ano?" iritadong tanong ko.
"Pakitago." Inabot niya sa'kin ang Colt Python na baril niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Damn it, Eziell..." natatarantang naiusal ko sa kaniya sa pabulong na boses matapos akong mabilis na humalukipkip para maitago ang baril.
Biglang sumeryoso ang karaniwan na walang ekpresyon niyang mukha at pinanliksikan ako ng mga mata bago bantaan.
"Kapag iyan nawala, goodbye Earth ka," maawtoridad na pagbabanta niya sa'kin bago umalis habang dala ang halos walang laman niyang bag.
Kung makabanta itong batang ito parang siya ang nakakatanda! Hindi ko rin naman siya magawang isumbong kina mama kasi baka atakihin sila. Pero, bakit ba ang hilig niyang magdala ng baril?! Wala siyang pinipiling lugar!
"Mr. Park, what are you doing there?" tanong ng babaeng guro namin kaya mas kinabahan ako lalo. Sa kaba ko ay ipinasok ko nalang sa tagiliran ng brief ko ang baril bago humarap. Damn, wala pa namang coat ang uniform namin. Sana ay hindi bakat ang baril sa ginawa kong hindi pagtuck-in ng maluwag at makapal kong polo.
Mapapakyat ako ng bubong nito mamaya para hindi ma-detect ng machine sa exit door.
"My sister," maikling sagot ko sabay turo sa bungad ng pintuan bago naupo. Tumango lang sa'kin ang guro kaya nakahinga ako ng maluwag.
YOU ARE READING
Gangster Leader
De TodoA strong and independent young lady who she never imagine she will be, found her self funding a group. Lost, curiosity, and justice are what made them as one. Different stories, different reasons---are things they couldn't share. Will this journey l...