Chapter 14: Conscience

275 12 0
                                    

A/N: Warning, sexual scene at the last part of this chapter. You may skip that part.


SHAZHE'S P.O.V

Nakagat ko ang ibabang labi sa kasayahan ng mukha ni HT. Napapailing nalang ako bago sila tapunan ng tingin. Alangan lang silang ngumiti sa'kin  at nag-thumbs up pa sina Mauron at Quazil sa'kin habang nakangisi; nag-peace sign naman sina Aeyi, Liza at Aira habang nginisihan lang ako ni Shaun. Napailing ulit ako nang maalala ang panibagong kasalanan na ginawa nila maliban sa ginawang pustahan.

∆∆∆∆

Flashback...

"Promise hindi na'ko magdadala ng baraha!" pangako ni Aeyi sa tabi ko habang nakataas ang palad.

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Uwian na kaya marami-rami ang tao sa hallway. Sa buong lakad papuntang Parking Lot, kinaaliwan ko ang mga dada nila ukol sa nangyari. Wala na akong magagawa dun kaya pinalipas ko nalang ang naramdaman kanina. Ang magagawa ko nalang ay mag-isip ng solusyon kung sakali.

Damn. Ano'ng puwedeng gagawin ko nga pala sa CCTV?

"Nagalit ka ba dahil hindi ka nakasali?" kumunot ang noo ko sa inosenting tanong ni Haerone na ikinailing ng lahat. Hindi ako sumagot kaya nagsalita ulit siya. "O dahil kulang ang dinala kong beer?" tanong ulit niya.

Until now, he really can't see how wrong his decision was. Leader pa naman siya so he should know better.

Mabuti pa mag-isip nalang ako kung ano'ng gagawin ko sa CCTV. Paano ko ibubura ang footage? O para hindi makita ni HT? Pero, baka may iba ring nakakita. Damn, sakit sa ulo si Haerone.

I was about to speak when Zheil turned my head to look in front.

"Lagot!" malakas na sigaw ni Shaun kaya napalingon ang lahat sa gawi nilang dalawa ni Quazil. Wala ng tao sa hallway kaya agad namin silang nakita sa unahan.

Naglakad kami papuntang hagdanan, kung saan sila naroon, at napahinto nang makita kung ano ang ginawa nila. Nanlaki ang mga mata ko. Shaun and Quazil were playing, alam ko kanina pa pero hindi ko naman inaasahan na aabot sa ganito. Nagbabatuhan sila ng cellphone tapos sasaluhin nila. Kung maglalaro lang din naman ng ganoon, bakit hindi na nila nasalo?!

"Ang bintana nabasag mo Shaun!" kinakabahang sigaw ni Quazil.

Nanliit si Shaun sa kinatatayuan at nawala ang postura ng tayo. Nakatingin siya ngayon sa basag at butas na bintana.

"Gago ang yayaman niyo!" buong sigaw ni Tiffany habang nanatiling nakaawang ang labi ko sa gulat. Iphone 10 ang binato ni Shaun na para bang papel na bola lang 'yon.

"Basag na ang screen ng phone ko. Bili nalang ako ng bago," nakangisi ani ni Quazil na ngayon ay pinupulot ang Nokia 8.1 mula sa sahig. Sa yaman nila, gusto ko silang pagsapakin. Nahiya ang Oppo Neo 5 ko sa kanila na mula pa noong grade 8 ko.

"Mga bobo! Kung magbabatuhan kayo at hindi lang din naman masasalo, sana papel nalang o di kaya sa akin niyo ibato!" paghihinayang ni Aeyi sa mga cellphone nila.

Ang lakas mambato ni Shaun at naabot ang mataas na parte ng bintana sa hagdanan. My CCTV pa sa gawi namin at sa parteng 'yon. Sigurado akong may nakakita rin sa labas nang mabasag nila ang bintana.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now