Chapter 5: Range

362 15 0
                                    

SHAZHE'S P.O.V


Sariwa ang hangin at ramdam na ramdam ko ang pagmamaneho ng Suzuki Hayabusa motor ko. Mabilis ang takbo nito at hindi naman nagreklamo pa si Aeyi na nasanay na kakaangas sa'kin. Si Wayne na nagmamaneho ng BMW S 1000 RR ay bahagyang nahuli kahit na mabilis din ang takbo niya.

"Hindi ba kayo uuwi?" tanong ko sa kanila sa pamamagitan ng earpods dahil sa lahat ay sila lang ang sumama sa akin.

"Hindi. Sa headquarters kami," rinig kong sagot ni Wayne sa pamamagitan ng earpods.

"AEYI!" malakas na pagsita ko kay Aeyi nang mapagtantong natutulog siya habang nakayakap sa akin. Kung hindi ko pa napansin ang pananahimik niya ay malamang mas binilisan ko pa ang takbo. Masakit talaga ang magiging pagbagsak niya pagnagkataon.

"Babi, masakit!" rinig kong reklamo ni Wayne dahil sumigaw ako nang naka-konekta ang earpods namin.

"Sige, matulog ka lang para hindi ka na magising," biro ko sa kay Aeyi pagkagising niya kaya hinampas niya ako.

"Babi, mukhang may nakabuntot... don oh, sa malayo. Kanina ko pa napapansin 'yan," mahinang bulong ni Aeyi kaya naalerto ako. Dalian ay tinignan ko ang side mirror. Muntik ko ng makalimutan, kanina pa 'yan sila at kung ganun ay tama pala ang hinala ko na nakabuntot talaga sila.

"Wayne, may nakabuntot," pagpapa-alam ko kay Wayne at mas pinabilis ang takbo ng motor. Yumakap ng mahigpit si Aeyi sa likuran ko dahil tila lilipad na ang motor sa bilis.

"Maghiwalay tayo!" suhesiyon ni Aeyi na mukhang hindi matutuloy dahil nasa highway kami.

Mula rito ay tanaw naming malapit nang maubos ang bilang ng go light ng traffic light. Konti nalang at stop signal na kaya mas pinihit ko hand clutch ng motor. Bahagya pa'kong nakonsensya nang muntik ng mahulog si Aeyi.

"Ayos ka lang?" nagaalalang tanong ko. Hindi siya nakasagot, siguro nga ay nagitla ko siya.

Nang maalalang may humahabol ay nilingon ko ang likuran at nakahinga ng maluwag nang makitang hindi sila nakalampas sa traffic light.

"Babiii nagkarerahan na!" mahihimigan sa boses ni Wayne ang kaba kaya naalerto ulit ako. Tama siya, ngayon ay may itim na kotse ang humahabol sa'min. Tinted ang kotse kaya hindi makikita kung sino ang mga nasa loob. Mukhang may mga kasamahan din ito dahil sa likuran ay may nakabuntot na mga motor.

Dahan-dahan ay nagbukas ng bintana ang kotse kaya kabado akong mabilis na naghanap ng eskinitang mapapasukan lalo na't naglabas ng baril ang sinumang nasa loob ng kotse. Bago pa kami pagbabarilin, mabuti ay nakakita agad ako ng eskinitang puwede naming daanan kung kaya'y nakahinga kaming lahat ng maluwag.

∆∆∆∆

Tumatalbog ang puso namin at kinakapos ng hangin nang makarating sa headquarters. Tagaktak ang malalaking butil ng pawis namin. Walang kumibo. Kahit na hindi nakasunod ang mga nakabuntot kanina ay nag-alala pa rin kami kasi pa'no kung matunton kami rito? Hindi naman sa panibago 'yon, pero nakakakaba pa rin at sayang sa pera ang paglikas.

"M-magbihis muna tayo," suhestyon ni Aeyi dahil kanina pa kami nakatayo sa sala.

Gaya ng sabi, nagkanya-kanya kami. Naligo lang ako ng mabilis bago nagbihis at nag-ayos saka bumaba na rin. Wala pa sila kaya nauna na akong kumain ng may malakas na kumatok sa pintuan.

Sunod-sunod at malalakas na katok ang maririnig. Napakunot ang noo ko at napatigil sa pagkain. Baka ito na iyong mga nakabuntot sa'min kanina.

Sinasabi ko na nga ba, nasundan kami.

Gangster LeaderWhere stories live. Discover now