Chapter 1

109K 2.4K 177
                                    

Happy Reading!  :)

***

Today is the day. The day that I will be going to Celestial Academy. Tinignan ko ang mga gamit ko at chineck kung kumpleto na ba ito.


Matapos siguraduhing kumpleto na ito ay nilagay ko na ito sa maleta tsaka binitbit pababa.


"Athena are you ready?" Sabi ni Mommy Rhea pagbaba na pagbaba ko.


"Noon pa po." Biro ko tsaka tumawa. Napangiti siya habang maluha luhang nakatingin sakin "Mommy Rhea naman eh! Magddrama ka pa ba? Eh alam mo naman po na sa pagdating ng panahon eh papasok at papasok talaga ako sa Celestial Academy diba?"


"Ikaw talagang bata ka. Siyempre mamimiss kita. Kahit ba hindi kita tunay na anak eh anak parin ang turing ko sayo."


"At kahit po hindi kita tunay na magulang eh Mommy parin po kita!" Ngumiti ako tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.


Hindi ko tunay na magulang si Mommy Rhea. Ang sabi niya nakita niya ako sa isang bahay na nasa loob ng isang Shield pagkatapos ng Bloodshed Tragedy----Ang pagatake ng Death King kasabay ng pag traydor ng ibang Deities.


Hanggang ngayon hindi ko parin malilimutan ang pangyayaring 'yon kahit bata pa ako. Dahil sa pangyayaring 'yon nawalan ako ng mga magulang at kaibigan.


Alalang alala ko pa. Nagkataon na sa bayan namin sumugod ang main forces ng Death King. Hindi magawang iwan ni Mama ang bayan lalo na at siya ang 8th Deity at responsibilidad niya rin ang tumulong.


Sa mundo namin, merong Magic Council. Sila yung namamahala sa kapayapaan ng mundo. Pero meron ring mga Deities, sila ay ang mga malalakas at hindi basta bastang mga Mage. And the position of Deities is on par with the Magic council.


There are 12 Deities in total and my Mom is rank 8th.


Hinding hindi ko malilimutan kung paanong nilabanan ng mga magulang ko ang mga kalaban para lang mailigtas ako. Huli na bago nakarating ang iba pang Mages para tumulong. My parents died already. Almost everyone died already.


Starting that day, I promised myself to kill all enemies. Every one of them.


That's why everyday I trained, I trained hard to seek Vengeance. And now that I am ready. I decided to go to Celestial Academy. It would be easier for me to seek vengeance there.


Ang Celestial Academy ay hindi lang paaralang nagtuturo sa mga estudyante kung paano maging malakas. They are also sending Mages who are strong enough to have missions. And that mission includes Killing enemies, spying, tracking and etc.


That's why it would be easy for me to seek my revenge there.


My Mom and the remaining loyal Deities were successful on killing the Death King. Pero nakatakas ang Dark Prince kaya hanggang ngayon hindi parin natatapos ang kasamaan. And killing the Dark Prince is one of my Dreams.


"Athena!" Nagulat ako nung sumigaw si Mommy Rhea habang hawak ang kamao ko.


Tsaka ko lang napansin na nakakuyom ito. Tinignan ko si Mommy Rhea at napansin ko na nakangiti siya ng malungkot.


"Naalala mo nanaman ba?" Tumango lang ako tsaka siya niyakap ulit. She just patted my back "Alalahanin mo yung mga sinabi ko sayo Anak ah? Wag mong hahayaan na lamunin ng galit mo ang sarili mo. 'Wag laging paghihiganti ang nasa isip anak." Humiwalay ako sa yakap tsaka siya nginitian.


Laking pasalamat ko talaga na kinupkop ako ni Mommy Rhea. Kasi dahil sa kaniya, natuto parin akong maging masaya. Natuto parin akong magmahal. Kahit pa puro paghihiganti na lang ang nasa isip ko. Hindi ko paring malilimutan kung paanong magmahal at maging masaya.


Natuto akong hindi laging galit ang pinapairal.


"Maraming maraming salamat po talaga Mommy Rhea. Salamat sa tulong na binigay niyo saakin. Salamat sa pag alaga saakin. Salamat sa pagpapalaki saakin ng mabuti." Ramdam kong tumulo ang mga luha ko. Aish! Asar naman eh! Dapat hindi ako iiyak. Ayokong malungkot na mukha ang maaalala ni Mommy kapag aalis na ako.


Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko tsaka tumingin sa taas para pigilan ang mga nagbabadyang luha.


"Etong batang to! Kung makapagsalita akala mo hindi na natin makikita ang isa't isa ah! Nakakatakot naman yan, baka mamaya niyan mamamatay na pala ako?" Sabi ni Mommy tsaka siya tumawa.


Mabilis akong lumapit sa kaniya tsaka siya hinampas ng pabiro. "Mommy naman eh!"


"Biro lang anak!" tapos tumawa siya ng pilit "Oh anak kailangan mo nang umalis. Hindi pwedeng late ka sa unang araw mo sa Celestial Academy." Tumango naman ako sa kaniya tsaka siya nagbanggit ng mga salita na hanggang ngayon hindi ko parin gets.


Maya maya lang unti unting may nabubuong puting bilog sa harap ko. Palaki ng palaki hanggang sa naging isang portal.


Portal papuntang Celestial Academy. Oo nga pala, isang Spell Caster si Mommy Rhea.


Ngumiti ulit si Mommy sakin. "Pumasok ka na anak, ipangako mo na magkakaroon ka ng madaming kaibigan doon ah? Matuto ka sa mga iba't ibang bagay at 'wag puro paghihiganti ang nasa isip."


"Opo Mommy, pangako."


Nginitian ko ulit siya bago ako tuluyang pumasok so Portal.

***

Celestial Academy: Silver EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon