"Room 863, 46th floor." Halos lumuwa ang mata ko ng mabasa ko ang nilalaman ng isang papel kasama ang susi ng dorm namin. 46th floor?! Jusmiyo santisima! is this for real?
Mabilis akong pumasok sa building na to. Hindi parin ako makapaniwala, dormitory ba talaga to? Kinuha ko yung map ng Dormitory kasi baka maligaw pa ako, at posibleng posible 'yon. Nakasaad dito na nasa isang building lang daw ang Boys Dormitory at Girls Dormitory. Pero same gender lang sa isang room.
May mga rules din dito na bawal pumasok ang boys sa kwarto ng girls and vice versa blah blah blah. Given naman na 'yon.
Again. Napanganga nanaman ako pagpasok na pagpasok ko. Ang sosyal! feeling ko nagkaroon ako ng panibagong kasalanan kasi tinapakan ko tong floor na to, na hindi ko alam kung saan gawa dahil sa sobrang kintab at ganda nito.
Lumiko ako pakaliwa dahil nandoon ang elevator. Aba dapat lang talaga na may elevator! alangan namang lalakarin ko lang papuntang 46th floor? wasakin ko to eh!
Nakakapagtaka lang na wala man lang nagbabantay sa lugar na 'to. Eh pano kung mananakawan to? tipong upuan pa lang, pang isang buwang kainan na siguro eh. Ganito sila kabongga! Oh diba ang taray!
Pumasok na ako sa elevator tsaka pinindot ang 46th floor. Mas mabuti narin na modern ang lugar na 'to ano, hell! hinding hindi ako papasok ng portal ulit to transfer from one place to another. Ayoko na ng karanasan na 'yon!
Makalipas ang ilang minuto tumunog ang elevator tsaka ito bumukas. Mabilis akong lumabas bitbit ang maleta ko tsaka hinanap ang room ko.
Matapos ko itong mahanap, kinuha ko na ang susi tsaka ito binuksan. Okay,hindi ko na sasabihin na nakanganga ako, hinding hindi ko sasabihin!
Ang bongga talaga dito, ang pang tatlong tao sa kanila, pang bente katao para saakin!
Pagpasok na pagpasok ko Living room agad ang nakita ko, living room na mas malaki pa ata sa bahay namin! White naman ang motif ng living room pero kahit white lang, hindi siya simple tignan. Ang classy kasi ng furnitures, sofas, flatscreen tv, cabinets and etc.
Hindi ko dapat kalilimutan na uuwi ako ng isang flower vase. Ikakayaman ko na 'yon! agad agad!
May hagdan sa kaliwa at kanan, hindi na nakakapagtaka na may second floor. Ganito ba naman kabongga living room pa lang.
May pinto naman sa dulo ng living room. Kitchen 'yon panigurado. Umakyat na ako sa itaas. Nakalagay rin sa papel na nasa pangalawang pinto ang room ko pag akyat ko sa kaliwang hagdan.
Nasaan kaya yung mga roommates ko? Eh bukas pa ang pasukan ah? Baka namasyal?
Binuksan ko na yung room ko at tuwang tuwa ako sa nakita ko! Kulay Sky blue ito at Navy Blue, my favorite color! Kaiyak naman, alam nila beh!
Tapos yung Queen sized bed eh Blue and black. Naks! salamat sa gumawa ng kwarto na 'to!
Ang ganda din ng design ng paligid, kung ganito ba naman ang kwarto ko sa Bahay ni Mommy Rhea aba! Baka tulog ako everyday! Hahahaha.
Nilapag ko lang sa tabi ang maleta ko tsaka napagdesisyunang maligo muna.
Pagkatapos kong maligo humilata muna ako sa kama atsaka nagpahinga.
Until I fell asleep.
***
Still not feeling well :(
I want to know your reactions guys.
Comments and Votes are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Silver Eyed
FantasyAthena Godwin is the daughter of two prominent Mage. Her mother was a Deity--- a title bestowed upon the selected 12 strongest mage in their time. Her father was also a renowned mage for displaying skills and talent incomparable to many, at a young...
