This chapter is dedicated to you. @Yellow_9 Thank you for the amazing book cover! :D
Sorry for the long wait. Busy at walang net :/ lakas pa ng ulan zzzz.
***
"Okay, so our next activity would be handling different kinds of weapon. Ang unang weapon naman na ituturo ko sa inyo ay Bow and Arrows."
Nakaupo na kaming lahat sa gitna habang nakikinig kay Ms. Reika. Pagkatapos niyang sabihin yun, pumunta siya sa dulo at may pinindot sa gilid, nagulat naman kami nang may lumabas na hologram keyboard at nagpipindot pindot siya 'dun. Whoa, napanganga naman kami sa nakita namin. Kakaiba lang talaga sa pakiramdam lalo na at first time kong makita 'tong mga ganitong bagay.
Pagkatapos niyang gawin yun, may lumabas naman na ilaw na kulay asul sa itaas tapos tumutok ito sa iba't ibang direksyon. Nanlalaki naman ang mata namin dahil bawat tutok ng ilaw sa isang direksyon nagkakaroon ito ng mga lalaking naka black cloak.
Hanggang sa magkaroon ng apat na lalaking naka black cloak coming from different directions. Ang mas nakakagulat pa dito ay gumagalaw talaga sila na parang mga totoong tao.
"As you can see, may mga bagay na na nabago at na improve sa technology natin. Ofcourse, hindi dapat laging kapangyarihan na lang natin ang ating gagamitin. So with the help of the Technology Department and Mr. Shawn, a technopath, they developed this. This room can now be called a simulation room. They developed a virtual reality simulation for you to improve your training." Manghang mangha naman kaming napatingin kay Shawn. Nakayuko lang siya habang namumula ang tenga, ang kyut Hahaha.
Pero may point naman talaga sila, kailangan parin namin ng technology. Hindi naman lahat nagagawa ng magic eh. Tsaka hindi dapat kami mabuhay gamit lang ang magic, we should not depend on magic alone.
"Okay, I will now be teaching you how to shoot two arrows at the same time."
Pagkasabing pagkasabi niya nun samu't saring reklamo ang narinig ko sa paligid kesyo papaano daw yun, o posible ba daw yun. Napatawa naman si Ms. Reika sa narinig "Kaya nga tuturuan ko kayo eh."
Maya maya pa inikot niya ang paningin niya hanggang sa mapadako ito sa banda namin. Tinanguan niya naman si Nathan.
"Mr. Nathan Suarez, since you're the 1st ranker here in the Academy I assume that you already know how to do it?"
Napatango naman si Nathan. Eto na nga ba ang ayaw ko eh, kapag talaga nasa taas ka o hinahangaan ka ng iba anlaki na ng expectation nila sayo. Tipong akala nila lahat kaya mong gawin. Oh well, this is easy for him I know pero paano sa ibang bagay? Napailing na lang ako. Ang hirap pa naman sa ibang tao eh mga judgmental, hindi lang nameet ang expectation nila andami nang sinasabi kahit wala naman sa posisyon.
Wait, what? I silently chuckled. Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Silver Eyed
FantasyAthena Godwin is the daughter of two prominent Mage. Her mother was a Deity--- a title bestowed upon the selected 12 strongest mage in their time. Her father was also a renowned mage for displaying skills and talent incomparable to many, at a young...
