I just want to tell you guys that Comments and Votes are my inspiration and motivation. So please stop being a silent leader huhu.
Enjoy Reading! :)
***
Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano, just random stuffs hanggang sa matapos kaming kumain.
"By the way Athena, may mga ipapakilala pa pala kami sa'yo bukas." Sabi ni Clarisse habang nakangiti. Napapalakpak naman si Thalia na parang may naaalala.
"Oo nga pala! Ipapakilala ka pa namin sa iba pa naming mga kaibigan. I'm sure you'll get along with them in no time. Parang tayo lang." Sabi naman ni Thalia habang natatawa.
Natawa na lang rin ako. Tama naman siya eh, although hindi pa natatapos ang isang araw, eh close na close na kami. And I now consider them as my sisters. Siguro sa tingin nang iba masyadong mabilis, pero para sa'kin hindi naman. Lalo na at marami na kaming alam sa isa't isa. Mas naiintindihan naman namin ang isa't isa lalo na at we have the same experiences in life.
And I just can feel it. I can feel that they can be trusted.
Napagdesisyunan na naming umalis at bumalik ng dorm kaya tumayo na kami at lumabas ng cafeteria. Ramdam ko parin na marami paring Mages ang nakatingin sa amin. Medyo nakakaconcious at ang weird lang dahil iba't ibang kulay ng mga mata ang nakatingin sa amin. Merong Violet eyed, Red eyed, Blue eyed at Yellow green eyed.
Habang naglalakad pabalik ng Dorm, nadaanan nanaman namin yung parang garden na may puno. Nakakamangha talaga, dahil lumalalim ang gabi mas lalo siyang gumanda tignan. Mas dumami naman yung mga fireflies at luminescence insects.
Kaya napagdesisyunan kong tumambay muna kahit sandali lang. Hindi naman ako takot sa dilim eh. Mas nagiging magical pa nga siya tignan dahil madilim.
"Mauna na muna kayo. Tatambay lang ako saglit dito." Sabi ko sa kanila.
"Sigurado ka? Baka mawala ka ah?" Tumango ako.
"Oks lang. I can manage."
Tumango naman sila.
"Oh sige. Basta magiingat ka ah?" Tumawa lang ako tsaka sila tinanguan.
Lumapit na ako doon sa garden. Ayokong lapitan ang puno dahil baka magambala ko pa yang mga insekto na pumapaikot dito. May nakita naman akong bench sa tabi kaya naupo na ako dito.
Nagrelax lang ako saglit at nagisip isip. Napagtanto ko lang na halos buong buhay ko isa lang ang pangarap ko. Ang maghiganti. Pero nang pumasok ako sa paaralang ito unti unti nang may nababago sa'kin. Napakalaki nang impact sa sarili ko nang pumasok ako dito, kahit pa magiisang araw pa lang ako dito.
Siguro dahil ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng kaibigan? at nakahanap ako ng mga taong nakakaintindi sa'kin? O dahil nasa lugar na ako na punong puno ng mga kagaya namin? I don't know. Ang alam ko lang, sa paglipas ng panahon at sa pagtagal ng pagstay ko dito, malaki ang mababago sa'kin.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Silver Eyed
FantasyAthena Godwin is the daughter of two prominent Mage. Her mother was a Deity--- a title bestowed upon the selected 12 strongest mage in their time. Her father was also a renowned mage for displaying skills and talent incomparable to many, at a young...