Chapter 2

70.6K 2.2K 244
                                        

Happy Reading! :D

***

"Aaaaaaaaah!" Jusko gagamitin ko na ba ang kapangyarihan ko?



"Paksheeeeeeeeeeeeeet!"



"KAILAN PA BA TO MATATAPOS------ Waaaaaaaaaaaah!"



*Thug*



"Aray ko po!" Napahawak agad ako sa pwet at balakang ko pagbagsak na pag bagsak ko. Tang na juice naman oo! Hindi ko naman akalain na ganito pala ang pakiramdam tuwing papasok ka sa portal! Hindi man lang ako binalaan ni Mommy Rhea.



Pano ba naman kasi, pagpasok na pagpasok ko sa portal na ginawa ni Mommy Rhea eh parang nahulog lang naman ako from 50th floor hanggang ground floor ng isang building! Free Fall ah?!



Kakaiba pa ang hitsura ng dimension sa loob ng portal, mas lalong nakakahilo!



Bumangon na ako tsaka ko pinagmasdan ang paligid. Nasa loob ako ng isang gubat, so ganern? hahanapin ko pa kung nasaan ang Academy?



"Jusko naman Mommy Rhea! bakit dito mo pa ako pinapunta! punishment ba to sa pagiwan sayo?!" Sigaw ko sa kawalan kahit alam kong hindi naman niya ako maririnig.



Tinignan ko ulit ang paligid. Infairness ang ganda tignan, kakaiba ang mga halaman at bulaklak. Maski ang laki nito ay kakaiba din. May mga lumilipad lipad na mga Fairies, glowing butterflies at marami pang iba.



No wonder, lugar to para sa mga tulad namin. Tinignan ko ang orasan ko at agad nanlaki ang mata ko nang makita kong 20 minutes na lang ang natitirang oras.



Hindi ako pwedeng malate! ayon kay Mommy Rhea, ang Celestial Academy ay masyadong mahigpit sa seguridad. Kaya may oras lang na pansamantalang tatanggalin ang Barrier na nakapalibot sa gate ng Academy at bubuksan ito para makapasok ang mga bagong estudyante.



Kung malelate ka at masisiraduhan ka, wala ka nang magagawa. Kasi kahit teleportation pa ang kapangyarihan mo, hinding hindi ka makakapagteleport papasok sa loob. Masyadong makapangyarihan ang Barrier na bumabalot sa Academy, dahil mismong Leader ng Magic Council na isa ring Deity ang gumawa ng Barrier na 'yon. Kaya dapat be punctual!



"Silver" I Immediately summoned a Mythical creature which is a Dog. Pero hindi ito basta bastang aso lamang. Times 5 ang laki nito sa isang normal na aso.



This is my power, I can summon different kinds of Mythical creature. Pero limited lang ang mga Mythical creature na meron ako. For now, I only have, hmmm well it's a secret. Para lang siyang pokemon, kung ilan lang yung nacatch ko, yun lang ang meron ako.

Celestial Academy: Silver EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon