Chapter 7

56.9K 1.9K 210
                                        


Sipag ba? Hahaha! Everyday update eh no? tigdalawa pa. Gusto ko kasing magkaka 10 chapters sa lalong madaling panahon. Then pagkatapos nun magkakaroon na ng long updates. 1.5k+ words every chapter.

***

Kanina pa kami nagkwekwentuhan dito ng kung anu-ano ng makaramdam ako ng gutom.


"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanila.


"It's 7:38 pm---- wait 7:38 na?!" Sagot ni Thalia ng pasigaw. Pero what the hell? 7:38 na? ganun katagal kaming nagkwentuhan?


"Paano tayo kakain? saan ba tayo kakain? May rules ba dito na sabay sabay kumain ang mga students or something?" Tanong ko. Eh sa hindi ko alam eh, tinatamad akong basahin yung guide na binigay sakin. Mas madali kung sila na lang ang iinform sa'kin diba?


"Dito sa Academy, okay lang na hindi sabay sabay kumain ang mga students. Meron naman tayong cafeteria, at alam mo ba kung anong nakakatuwa 'don?" Excited na pagkakasabi ni Clarisse na halos kuminang na ang mga mata.


Natawa ako tsaka umiling. "Oh ano?"


"Libreng libre ang lahat ng pagkain! Walang babayaran kahit piso!" Sabi niya tsaka pumalakpak. "Lahat ng klase ng pagkain pwede mong iorder, sabihin mo lang kahit ilang piraso pa 'yon!" Kuminang naman ang mata ko dahil 'don. Daebak!


"Tologoooo?!" Sabi ko tapos tumango tango sila. "Oh ano pang hinihintay natin?! SUGOD SA CAFETERIA!" Sigaw ko tsaka patawa tawa habang umiiling.


Tumayo na kami tsaka inayos ang sarili namin. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ano pa nga ba? siyempre maganda parin! Sinuklayan ko na ang buhok ko tsaka hinayaan itong nakalugay. Naka tshirt lang ako, jeans and rubber shoes. Okay naman na 'to.


Nang matapos kami, lumabas na kami ng dorm at dumiretso sa elevator tapos pinindot ang ground floor.


Makalipas ang ilang minuto, naglalakad na kami papuntang cafeteria. Pero habang naglalakad kami, naagaw ng atensyon ko ang isang lugar na punong puno ng magagandang bulaklak at mga halaman. Ang mas nagpapaganda pa dito eh may puno sa gitna na napapalibutan ng Fireflies at iba pang insekto na umiilaw.


Waaaaaaah! Ang ganda talaga.


Its so magical. Pupunta siguro ako dito mamaya or next time. This is a good place for relaxing, tsaka ang ganda ganda talaga eh. Tipong titignan mo lang marerelax ka na.


Maya maya pa ay nakarating na kami sa cafeteria. Nangunot naman ang noo ko nang bago kami pumasok sa cafeteria eh tumigil sila. Hinarap ko sila at napansing naka fierce looking sila. Nakachest out, chin up at ang taray nilang tignan!


Bahagya akong nagulat pero tumawa ako. Napatingin naman sila saakin ng nagtataka.


"Parehas pala talaga tayo ano? We like to show others that we are strong and tough. Ibang iba ang pinapakita natin sa mga tao pero deep inside we are hurting and we are scarred for life." I said and smiled bitterly.

Celestial Academy: Silver EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon