Nagising ako ng may narinig akong ingay sa baba na tipong nagsisigawan. It must be my roommates. Bumangon na ako, nag ayos ng sarili tsaka napagdesisyunang bumaba.
"OMG! Nandito na yung bago nating roommate beh!"
"Hay salamat! mabuti naman at may bagong mukha naman akong makikita! sawang sawa na ako sa pagmumukha mo eh pwe."
"Ay grabe siya oh! as if namang hindi nakakasawa yang pagmumukha mo. Tsaka sa ganda kong to? pagsasawaan? No way!"
"Ay ang kapal! Eh ano----"
Napatigil sila sa kanilang mga banat ng nakita na nila ako. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano eh. Literal na nakanganga sila habang titig na titig saakin.
"Uhmm hello?"
Muntik ko nang mabatukan ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Hello? Really Athena? Still, I maintained a straight face. Dapat ibang ugali ang pinapakita ko sa iba, lalo na kapag hindi ko kilala. Mahirap nang magtiwala, lalo na sa mundong ginagawalan namin. Pero naalala ko nanaman yung bilin ni Mommy Rhea. Napabuntong hininga na lang ako, masyado na akong nasanay maging wary sa kahit na anong bagay. Masyado na akong napaparanoid.
"Sis, kurutin mo nga ako." Muntik na akong matawa nang kinurot nga nung nasa kaliwa yung sa kanan. Ang cute!
"Aray! ba't moko kinurot?!"
"Eh sabi mo eh!"
Napakamot na lang sa ulo yung babae sa kanan. "Pero tang na juice sis! totoo talaga tong Diyosa na to?"
"Wag kang mag alala sis, hindi lang ikaw ang hindi makapaniwala."
"I know I'm not the only one." Pakanta pa na sabi nung isa, and this time natawa na talaga ako.
Napatingin nanaman sa akin yung dalawa at mas lalong nanlaki ang mga mata nila. Ambabaliw naman nito hahahaha.
"Ano ba kayo, kung makapagsalita kayo parang hindi ako tao ah." Matapos kong sabihin 'yon agad kong naitakip ang mga kamay ko sa tenga dahil tumili sila. Jusko naman! anong gagawin ko?
Wala na akong ibang naisip na paraan kundi lapitan sila at batukan. Cheren! ayan! mabuti naman at tumahimik sila.
"Pwede ba, umayos nga kayo." Feeling close ba? Eh sa hindi ko alam kung paanong makipagkaibigan eh! That's a sad truth. Simula nung namatayan ako ng mga kaibigan matapos mangyari ang Bloodshed Tragedy hindi na muli ako nagkaroon ng bagong kaibigan.
Enough with the past.
"Ah eh, pasensiya ka na. Hindi lang namin mapigilang humanga sa kagandahan mo lalo na at, l-lalo na at----"
"Yung mga mata ko ba?" Seryosong pagkakasabi ko. Ako na ang tumapos ng sasabihin niya. Napatigil naman siya at naging stiff pati na yung kasama niya. Nakita ko pa silang napalunok. Wow eh no? synchronized much?
![](https://img.wattpad.com/cover/80091576-288-k188268.jpg)
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Silver Eyed
FantastikAthena Godwin is the daughter of two prominent Mage. Her mother was a Deity--- a title bestowed upon the selected 12 strongest mage in their time. Her father was also a renowned mage for displaying skills and talent incomparable to many, at a young...