Kahit sa pagbalik ko nang dorm hindi parin ako nakaka get over sa nangyari kanina. Una, nasalag niya ng walang kahirap hirap ang sipa ko. Pangalawa, silver eyed student din siya tulad ko. At pangatlo, ANG GWAPO GWAPO NIYA! Omg lang talaga. Mabuti at sanay na sanay akong maging composed in any situation.
"Oy ha! anong nginingiti ngiti mo diyan?" Hindi ko napansin na nakapasok na pala ako ng Room namin.
Nginitian ko lang sila ng mas malawak.
"Aba Aba, late ka na nga umuwi tapos pangiti ngiti ka pa diyan? Sabihin mo nga, anong nangyari sa'yo?" Sabi ni Clarisse.
"Hulaan niyooooo!" I playfully said. Umiling iling naman sila.
"Ano ba kasi 'yon?"
"Nakakita lang naman ako ng gwapoooo!" Sabi ko tsaka tumawa. Nagkatinginan naman sila, at pagkatapos 'non humagalpak sila ng tawa.
"M-May pagkaharot ka----- HAHAHAHA din p-pala! Jusko naman A-Athena binigla mo'ko--- HAHAHAHA 'dun! Akala ko kung ano na ang nangyari. Nakakita lang naman pala ng gwapo!" Sabi pa ni Thalia habang tumatawa. Take note, nakahawak pa ito sa tiyan.
Si Clarisse naman hindi na nakapagreact dahil tawang tawa ito na tipong gumulong gulong na sa sahig habang hawak ang tiyan at may papikit pikit at paluha luha pa. Sinimangutan ko naman sila.
"Tumigil nga kayo! Bakit ba? Eh sa ang gwapo niya eh!" Naalala ko naman yung nangyari kanina. Lalo na nung lumapit siya sa'kin. Kahit hindi ganun kaliwanag, eh naaninag ko parin kung gaano kaperpekto ang kaniyang mukha. Tapos ako naman, mukhang Diyosa, oh diba? Bagay na bagay!
Naaalala ko kung gaano kakinis ang kaniyang mga balat. Perfect shaped thin lips, ang tangos pa ng ilong! Ni wala akong mahagilap na tigyawat. Basta! Perpekto! yun 'yon. Oh goshhh.
Tinaasan ko lang sila ng kilay tsaka sila hinintay na tumigil. 'Tong mga baliw na to! hindi naman nakakatawa eh. Ano ngayon kung masaya ako dahil nakakita ako ng gwapo? Normal naman 'yon diba?
Maya maya pa ay tumigil narin sila kakatawa. I sighed in relief. Buti naman! tumigil narin sa wakas.
"Eh ang tanong nakapagusap naman ba kayo? baka hanggang tingin ka lang rin?" Sabi naman ni Thalia na may halo pang pang-aasar.
Nginisihan ko naman siya tapos tinaasan ng kilay. "Ako pa ba? Char!" Tapos ako naman ang tumawa.
Nanlaki naman ang mata ni Clarisse. "Talaga? Paano? kwento ka nga dali!"
Kita mo tong mga to! nako nako!
"Kasi ganito 'yan, nakaupo ako sa bench dun sa garden banda. Nagiisip isip ng kung anu-ano nang makaramdam ako ng movement sa likod ko na papalapit sa'kin. Out of instinct eh sinipa ko na. Pero nasalag naman niya ito so no worries." After that, I heard them laughed in amusement.
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Silver Eyed
خيال (فانتازيا)Athena Godwin is the daughter of two prominent Mage. Her mother was a Deity--- a title bestowed upon the selected 12 strongest mage in their time. Her father was also a renowned mage for displaying skills and talent incomparable to many, at a young...
