Chapter 11

55.9K 1.7K 121
                                    


Matapos ng ilang minutong paglalakad, nakarating narin kami sa Stadium. Nagpakilala narin kami sa isa't isa. Maloko din sina Laurence at Lawrence. Halos pantay lang sila nila Clarisse at Thalia eh. Nakooo, punong puno ng mga baliw ang grupo. I silently chuckled at the thought.


Si Jessica naman eh yung tipong seryoso. Pero hindi naman Killjoy, nakikipagbiruan at nakikipagtawanan din pero hindi tulad sa iba na loka-loka at loko-loko. Sa ngayon, hindi ko parin madifferentiate kung sino ba si Laurence at Lawrence basta ang alam ko, Lawrence is a Gravity controller. Kaya niyang pabigatin at pagaanin ang isang bagay o sa isang area. Telekinesis naman ang power ni Laurence, he can lift and control objects by just using his mind.


As for Jessica, she's a witch. She can cast spells and she excels in potion making. Ano ang pinagkaiba ng isang witch at spellcaster? simple lang naman. Ang Spellcaster ay nakakapagcast without using wands, they're just casting spells through incantations. Ang witch naman, they need wands to channel their energy to cast spells. May magic circles and symbols naman na lumalabas tuwing nagcacast sila ng spell, depending on how powerful the spell would be.


Pagpasok na pagpasok namin sa Stadium, halos lumuwa ang mata ko. Hindi ko aakalain na ganito kadami ang mga students dito. Sa laki ng stadium na 'to hindi ko aakalain na mapupuno ito but I was wrong. Punong puno na actually ito.


Pero may isang bagay akong napansin. Nakatipon tipon ang lahat ng Blue Eyed sa isang area, nasa ibang area naman ang Red eyed, tapos Yellow green eyed, Green eyed and etc. In short, hiwahiwalay ang lahat ng magkakaibang stages. Is this some kind of a discrimination? or just a rule for orderliness?


Napaharap naman ako kay Nathan ng may marealize ako.


"All this time mag isa ka lang tuwing nagtitipon tipon kayo?" Tanong ko habang nanlalaki ang mata. Ang lungkot naman kasi nun, everytime na may events or announcements mag isa lang siya sa isang lugar. Oh diba, laging loner, saklap naman ng buhay.


Tumango naman siya tapos ngumiti. "Its actually fine for me. Wala masyadong magulo, at isa pa walang makabasag tenga na tili na nanggagaling sa tabi ko." He said then he laughed. "Pero mas ayos na ayos na ngayon, siyempre katabi na kita." Ases, nambola pa.


Gusto mo naman.


Konting konti na lang masasapak ko na 'tong sarili kong inner voice. Kung anu-ano na lang pinagsasabi Chos! pagalitan ba naman daw sariling isip, shunga lang eh no?


"Yieeee! Kikiligin na ba dapat ako?" Biro ko pa tsaka siya kinurot kurot sa tagiliran.


Oha libre tsansing be like.


Nagtawanan naman kami pagkatapos nun.


"Oh pano ba yan, mauna na kami sa inyo guys." Sabi pa ni Clarisse.


"Mabuti naman at may kasama na yung loner diyan." Sabi pa ni Lawrence o Laurence, ewan ko sino! basta yun 'yon tsaka sila nagtawanan.


Celestial Academy: Silver EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon