Chapter 25

33.8K 1K 232
                                    


Tangna mo author! Ba't ngayon mo lang naisipang mag update?! Oh ayan inunahan ko na kayo. Ito po ang mga rason bat late ako nakapag update. 1st: Navirusan po ang laptop ko, at dinelete ng virus lahat ng browser. Inayos ko pa but in the end pinareformat ko na lang. Ofcourse it would take time. Second, nung naayos na hindi parin ako nakapag type kasi andaming bisitang relatives and friends. Hindi ako comfortable at hindi ako makakapagconcentrate kung ganun. Third, ginugulo talaga ako ng mga kuya ko kaya pati sa pagnuod ng kdrama, anime at kung anu ano hindi ko na nagagawa. Lastly, busy ako sa fan account ko, sa fanwars at sa Mnet Asian Music Awards HAHAHAHAHAHA. Pero dalawa naman yung inupdate ko last week diba? sooooo lam na hahahahaha pasensiya na talaga guys.



***


Nagising ako nang makarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto ko. Maya maya pa ay nakarinig ako ng katok sa pinto at sigaw ni Clarisse.


"Athena! Bumangon ka na dali!"


Tinignan ko yung orasan sa tabi ko at nakita kong 6:43 pa lang. Kumunot ang noo ko, ang aga aga pa! Bakit ako binubulabog ng mga abnoy na 'to? Kahit sobrang tinatamad ako, napagdesisyunan kong bumangon na lang at pagbuksan ang gaga.


"Sa wakas bumangon ka na rin! Dalian mo, kanina pa tayo hinihintay!" Tinaasan ko siya ng kilay, aba bwiset! kanina pa hinihintay eh ang aga aga pa!


"Hoy te! Anong tinutunganga mo diyan?! Maligo ka na nga!" Tinitigan ko lang siya at aba ang gaga bihis na bihis na. 


"Anong meron? Ang aga aga pa peste ha binubulabog niyo ang maganda kong tulog."


"Pinapatawag tayo ng Headmaster, urgent meeting daw eh. Ang rason? hindi ko rin alam kaya maligo ka na at pupunta tayo sa office para alamin."


Tumango ako tsaka pabagsak na sinarado ang pinto. Nakarinig naman ako ng reklamo sa labas galing sa kaniya.


Dumiretso na ako sa banyo at ginawa ang mga ritwal ko. Para saan naman kaya yung meeting ng Headmaster? Utang na loob sana hindi bad news dahil ang sakit sakit na ng ulo ko dahil sa mga nangyayari ngayon!


Sobrang daming nangyari kahapon at take note, hanggang ngayon hindi parin naaabsorb ng brain cells ko. Nakalaban namin ang Dark Prince at hindi ko man lang 'to nasugatan, napapikit naman ako ng mariin ng maalala ko ang pangyayaring 'yon. Fuck! ni hindi ko nga siya natamaan! 


First time ko namang nakita ang Headmaster na seryosong seryoso to the point na natakot ako. At lastly, ghad! Nakita ko lang naman ang bestfriend kong inakala kong patay na! Alam kong good news yung panghuli pero yun bang, hindi ako makapaniwala. For several years akala ko mag isa na lang ako, akala ko lahat ng mga kaibigan ko eh wala na then biglang nagpakita si Blane. Hinding hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Yun bang lahat ata ng emosyon naramdaman ko na to the point na hindi na kayang macontain?


Umiling iling ako. Hindi ito panaginip Athena, buhay si Blane and that's all that matters.


Then there's Nathan. I suddenly feel my cheeks flushing when I remembered what had happened between us last night. The water around me was cold but it suddenly felt warmer, it felt like there was a sudden heat intensifying.

Celestial Academy: Silver EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon