Chapter 12

57.1K 1.8K 182
                                        


Important announcement at the end of this chapter.

***

Maya maya pa ay nakarating narin ang lahat sa pwesto namin. Kanina pa ako natatawa dahil lahat sila nagrereklamo, sina Thalia pa ang lider lideran.


"Jusko naman Ma'am! Sure kang warm up 'yon?! Asan ang warm up 'don?! NASAAN?! Ito na ata ang pinakanakakapagod na ginawa ko sa buong buhay ko! Grabe siya!"


"Oo nga ma'am! Kung ganito ba naman warm up pa lang WALA NG MAG P-P.E!"


Nginitian lang sila ni Ms. Reika. "Wag kayong mag alala. Simula pa lang yan, masasanay din kayo."


"Anong wag mag alala?! Warm up pa lang ma'am alalang alala na kami! Mas nagaalala tuloy kami sa mangyayari mamaya at sa susunod pa na mga araw. HAVE MERCY HUHUHU!"


Hinarap ko naman sila. "Don't worry, kapag nasanay na kayo mapapasabi na lang kayo ng 'it's really worth it'. Actually this 'warm up' would increase your speed, agility and overall strength. Ganun talaga sa simula, mahirap at talagang nakakahimatay but as time goes by mapapansin niyo ang pagbabago na mangyayari sa katawan niyo. Magugulat na lang kayo na mas naging maliksi, mabilis at malakas na ang katawan niyo."


Napapalakpak naman si ma'am. "Tumpak! Hindi ko na kailangang mag explain, nasabi niya na lahat." tsaka siya tumawa.


Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa mga hitsura nila eh, nakatingin pa sa'kin ng hindi makapaniwala. Lahat nakabusangot at para bang pasan ang buong mundo.


"Yung tataa? Anong training ang ginawa mo at talagang warm up mo lang 'tong warm up na 'to?! Parang hindi nga 'to warm up para sa'yo eh! Mas mababaw pa! Jusko naman."


Tanong naman ni Clarisse. Muntik na akong matawa sa kanila dahil lahat talaga sila eh nagaabang sa isasagot ko. Nginisihan ko naman sila.


"Siguro times 20 sa warm up niyo ngayon."


Natawa na talaga ako nung halos lumuwa ang mga mata at malalaglag na ang mga panga nila. Hindi makapaniwalang nakatingin silang lahat sa'kin.


"TIMES 20?! OKAY HINDI KO NA BABAWIIN YUNG SINABI KONG HALIMAW KA! MYGHAAAD I REALLY HATE DRUGS!"


Napatawa na lang ako habang umiiling iling. Totoo naman kasi, hindi nila alam kung anong klaseng impyerno yung pinaranas sa'kin ni Mommy Rhea, mas maraming ways ng pagpapahirap yun 'no!


Pumalakpak naman si Ms. Reika nang isang beses para maagaw ang atensiyon namin.


"Okay, since first time niyo 'tong pinagawa ko except for the two silver eyed ofcourse, bibigyan ko kayo ng 15 minutes rest. Wala munang iinom."


"Jusko naman! Anong klaseng paghihirap ba 'to?! anong kasalanan ba ang nagawa ko sa past life ko ng makaranas ako ng ganito?! Pati sa paginom bawal?!" Pa oa pa na pagkakasabi ni Clarisse.

Celestial Academy: Silver EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon