Surprise! Gulat ka no? Dejk Hahahahaha! Ang totoo niyan natripan ko lang mag update abnoy ako eh. Tsaka naisip ko rin na mas lalo ata akong hindi makakapagupdate ngayong sembreak kasi magdamag akong maglalaro ng Computer games mapa Lan o Online with brothers Hahahahaha.
Susubukan kong simulan in tagalog! Napapadalas na ang pag english ko eh tagalog naman na to! Hahahaha!
***
Napagdesisyunan namin na maupo muna sa bench sa tapat ng puno. Hindi pa naman kasi ganun ka late, sadiyang pagod lang kaming lahat kaya ayun nauna na ang iba na magpahinga. Pero ako plano ko talagang tumambay dito at magpakarelax relax. Ewan ko ba, ganito kasi akong tao eh sanay mag senti.
Kailangan ko munang marelax ang utak ko sa kung anu-anong nangyayari sa buhay ko bago ako makakatulog kaya napagdesisyunan kong pumunta dito. Yun nga lang hindi ko aakalain na nandito rin si Nathan. I feel relaxed pero ang awkward lang ng atmosphere. Hindi ito ang first time na kaming dalawa lang ang magkasama pero bakit ang awkward? Dahil ba 'to sa yakap niya? Agad ko namang binatukan ang sarili ko tsaka umiling.
Then I heard him chuckle. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kaniya. Don't tell me ginawa ko talaga 'yon?
"Bakit ka umiiling mag isa diyan? Anong problema mo?" I felt my cheeks flushing. Ano bang feeling na 'to! Eh kani kanina lang ang tapang tapang ko ah. Asan na ngayon ang pagiging matapang at straight forward mo Athena? Asan?!
"A-Ah wala, iniistretch ko lang. May mga lamok din kasing dumadapo." Sabi ko pa tsaka siya nginitian ng alanganin. Anong excuse 'to?! First time kong maging tanga totoo!
Nakita ko naman siyang nagpipigil ng tawa kaya agad ko siyang hinampas sa balikat. "Anong tinatawa tawa mo diyan?! Totoo naman ah!"
At ang loko tumawa na ng tuluyan! Tinignan ko siya ng masama at inirapan.
Maya maya pa ay tinaas niya ang dalawang kamay niya na tipong nagsusurrender pero nagpipigil parin ng tawa. "Wala naman akong sinabi ah? Ang defensive mo."
Inirapan ko lang siya matapos niyang sabihin 'yon.
Bumalik nanaman ang katahimikan sa aming dalawa. I heaved a sigh, hindi naman kami ganito kaawkard noon, hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. Baka naman kasi ako lang ang nakakaramdam ng awkwardness na 'to?
Ginalaw galaw ko na lang yung mga paa ko, nilalaro at tinitigan as if itong paa kong 'to ang pinakamagandang bagay na meron sa buong mundo which is totoo naman. Ang puti puti talaga ng paa ko, ang kinis kinis pa! Pwede nang ibenta sa Sulit dot com. Pero siguro kung walang healers sa mundo o kapangyarihan na may kinalaman sa pagpapagaling hindi ako magiging makinis ano? Siyempre lagi akong napapaaway, lagi akong nakikipagbakbakan malamang sa malamang kung walang healers punong puno na ng mga peklat simula ulo hanggang paa!
Napailing nanaman ako. Nababaliw na talaga ako! Kung anu-ano na lang 'tong naiisip ko, ano bang nangyayari sa'kin? Hindi naman ako ganito pero bakit?
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Silver Eyed
FantasyAthena Godwin is the daughter of two prominent Mage. Her mother was a Deity--- a title bestowed upon the selected 12 strongest mage in their time. Her father was also a renowned mage for displaying skills and talent incomparable to many, at a young...