This chapter is dedicated to you juDELETE. Tuwang tuwa ako sa comments mo HAHAHA, nakakalaki ng atay. I was also motivated because of your comments.
Anyway, this story is now called Celestial Academy: Silver eyed. I've added Silver Eyed dahil wala lang HAHA.
***
Nagising ako nang maramdaman kong tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko. I checked the clock beside me, it's still 6:38. Wow, ang aga ko namang nagising. 9 pa raw ang klase eh. Muntik naman akong mapalundag ng may maalala ako.
Makikita ko si Nathan mamaya!
Kyaaaaah. Bakit ba ang landi landi ko. I silently chuckled from the thought. Eh ang gwapo naman kasi talaga eh. Ewan ko ba, there's something from him, beside of his looks that I could not fathom that made me attracted to him.
Napagdesisyunan ko nang bumangon at maligo. Kinuskos ko nang mabuti ang buong katawan ko, siyempre kailangang magandang maganda at mabango ako lalo na at first day. Dapat presentable. Yun nga lang ba?
Natawa naman ako tapos napatigil. Para naman akong baliw nito. Matapos kong maligo, lumabas na ako tsaka binuksan yung box na naglalaman ng uniform ko. The uniform consists of White collared shirt, blazer, tie and a pleated skirt. Wow, kakaiba.
Excited ko itong sinuot tsaka tinignan ang sarili sa harap ng salamin. Kulay pula ang blazer, tapos black naman ang pleated skirt pati na ang tie. Oh my gosh, ang cute cute naman ng uniform na 'to! Nakakatuwa.
Ang lambot lambot pa ng tela, napaka comfortable pero halatang halata naman na matibay. Ang bongga talaga dito. Nakakapagtaka lang na eksaktong eksakto ang sukat ng uniform na 'to sa'kin eh hindi naman ako nagpasukat. Pero sabagay, baka ginamitan 'to ng magic. Yung tipong automatic ng magpapalit ng size yung uniform base sa katawan ng gumagamit. Mga ganern! uniform ang magaadjust.
Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Bagay na bagay talaga sa'kin ang uniform na 'to. Yun nga lang, ang iksi iksi ng pleated skirt. Feeling ko kitang kita ang kaluluwa ko, pero baka hindi lang talaga ako sanay. Oh well, wala naman akong magagawa so why stress over it?
Sinuklayan ko naman ang buhok ko at hinayaan lang itong nakalugay. Matapos ko magayos, lumabas na ako ng kwarto tsaka bumaba.
Napansin ko naman na hindi pa sila nagigising. Ang early bird ko naman, pasensiya na excited eh hihi. Napagdesisyunan ko namang mauna na lang sa cafeteria, pero bago ako umalis kumuha muna ako ng papel at sinulatan ito para ipaalam sa kanila na maaga akong nagising at nasa cafeteria lang ako.
Pagkatapos nun, lumabas na ako ng dorm tsaka sumakay ng elevator pababa. Maya maya pa ay nakarating na ako sa Cafeteria.
Pansin ko naman na kokonte pa lang ang mga tao sa cafeteria pero marami rami na rin kahit papaano. Ano daw? kokonte pero marami rami? Muntik na akong mapatawa sa pinagiisip ko. Ano bang nangyayari sa'kin? ang babaw ko naman ata. Ito ba ang epekto ni Nathan?
I shook my head from the thought. This is wrong, hindi dapat ganito ang epekto niya sa'kin, tipong pagiisip ko naaapektuhan. I'm only attracted to him and is excited to see him. That's all.
![](https://img.wattpad.com/cover/80091576-288-k188268.jpg)
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Silver Eyed
FantasyAthena Godwin is the daughter of two prominent Mage. Her mother was a Deity--- a title bestowed upon the selected 12 strongest mage in their time. Her father was also a renowned mage for displaying skills and talent incomparable to many, at a young...