This chapter is dedicated to you @iamrurumonster. You're one of the authors who inspires me :).
Nabasa niyo naman po siguro yung sinulat ko sa message board? Kaya pasensiya kung antagal kong mag update T_T.
P.S Dahil nakalimutan kong banggitin si Thalia last chapter bibigyan ko siya ng P.O.V XD.
***
Thalia's POV
Napagdesisyunan naming mag hiwahiwalay at sinadya ko talagang makipaghiwalay dahil takot ko na lang kina Nathan at Athena. Alam kong hardcore training ang mangyayari! Ginamit ko agad ang Enhancement of speed at mabilis na nagpakalayo layo.
Gamit ang bilis ko, hindi pa umabot ng limang minuto eh nakapagtayo na ako ng 200 dummies sa buong field. Oo, sa buong field. At hindi lang ito basta bastang dummies dahil matibay ito at hindi basta bastang nasisira. Ito ang ginagamit namin pang training noon, siyempre may hologram na ngayon, bongga kasi ang Technology Department eh. Taba ng utak!
Nagisip naman ako kung paano ako magtetrain. Simula noon noon pa, speed at agility na talaga ang madalas kong ginagamit. I don't know but it's much more effective for me during battles. Mabilis kong nilabas ang sword ko. Okay, so ang goal ko sa ngayon ay dapat matamaan ng sword ko ang leeg ng 200 dummies sa buong field within 2 minutes.
Ipinikit ko nang mariin ang mata ko tsaka nagsimulang magfocus. I enhanced my speed, agility and stamina. Unti unti, naramdaman kong napapalibutan na ako ng green aura. But I know this is not enough, mas nagfocus pa ako at mas pinalakas ang enhancement na bumabalot sa buong katawan ko.
Maya maya pa, napansin ko na mas intense na kulay green ang pumapalibot sa'kin. Umiba rin ang pakiramdam ng katawan ko, yung feeling na natulog ako ng 24 hours! Punong puno ng energy, ni walang kapagod pagod na mahahanap sa katawan ko. Ramdam ko rin ang pagiging magaan ng katawan ko.
Kumilos na ako at tumakbo, hanggang ngayon medyo hindi parin ako sanay sa pakiramdam na 'to. Tipong parang normal lang ang pagtakbo ko pero kakaibang bilis na pala ang nagagawa ko. Nagiging blurry ang paligid dahil sa sobrang bilis ng takbo ko pero alam ko sa sarili ko kung anong ginagawa ko at kung ano, saan at sino ang target ko.
Sa limang segundo, apat na dummy na agad ang natamaan ko sa leeg. Pinagpatuloy ko lang ang pagtama ng espada ko sa mga dummies at mas binilisan pa ang pagtakbo. Nang malapit na ako sa pinakahuling target ko eh tumalon ako ng napakataas at ginamit ang Enhancement of Strength ko para dagdagan ang force sa tira ko. I immediately struck the neck of the dummy with so much force, it made the ground shook. Pero gasgas lamang ang natamo ng dummy sa leeg, hindi ko talaga alam paano ginawa ang mga dummy na 'to! Binuhos ko na lahat tapos gasgas lang natamo?! How to be you po dummy?
Hingal na hingal akong napaupo at mabilis na tinignan ang stopwatch ko. 3 minutes and 4 seconds, napangiti naman ako dahil dito. I'm still satisfied with the result though, atleast may improvement. Noon kasi ginawa ko rin 'to at 4 minutes and 18 seconds bago ko pa natapos. Isa pa, inikot ko kaya ang buong field! Eh sobrang lawak ng field na to eh! As in sobrang sobra. Paki times ten ang mga international stadiums na makikita sa mortal world!
Bigla akong napatayo ng makarinig ako ng sunod sunod na kulog. Napatingin naman ako sa bandang kaliwa at kahit medyo malayo, kitang kita ko ang isang area na napapalibutan ng itim na ulap, may mga lightning pa na tumatama sa area na 'yon. Madaming madaming lightning! walang duda, si Jessica ang may gawa 'nun! Adik yun sa Lightning spells eh!
BINABASA MO ANG
Celestial Academy: Silver Eyed
FantasiaAthena Godwin is the daughter of two prominent Mage. Her mother was a Deity--- a title bestowed upon the selected 12 strongest mage in their time. Her father was also a renowned mage for displaying skills and talent incomparable to many, at a young...