Sorrowful Summer

4.7K 86 4
                                    

After the night that I confronted Angeli who's cheating on Nash,that night that Nash chose his girlfriend over his bestfriend who forgave him over and over again, I never showed up in school.

Nung nagpa clearance ako, last day na ng klase. At ngayon, it's the second week of summer vacation.

Heto ako, malungkot pero kinakaya.

Saksi ang mga pader, kisame, kama at unan sa bawat araw at bawat gabi na iniiyakan ko si Nash.

Araw araw iniisip ko, saan ba ko nagkulang?

Minsan inaaya ako ni Jai umalis, pero tumatanggi ako.

Sa totoo lang, bilib din ako kay "Boy Waley" kasi napaka tiyaga niya sakin. Lagi syang may bagong jokes para pilitin akong patawanin, at natatawa ko dahil sobrang korni ng mga pinagsasasabi niya.

Pero tumatanggi muna kong lumabas kasama sya. Nahihiya kasi ako sa kanya.

Palagi na lang kasi akong lugmok, at sya palagi na lang gumagawa ng effort to show how much he cares. Sawang sawa na nga ako i-disappoint si Jairus. Pero hindi ko parin mahanap yung motivation para makipag socialize.

Palagi silang umaalis ng mga classmates namin.

Sa totoo lang kasi napakafriendly ni Jai, may group of friends sya  sa classroom.

Dati nga sila yung pinaka maingay, malalakas tumawa at mag-asaran. Tapos kami naman ni Nash yung may sariling mundo.

Kami ni Nash yung nagkakaintindihan, nagtutulungan, nagtatawanan.

Bakit ganun na lang kadaling kalimutan ang friendship naman para sa kanya? 

Did I make myself too available? 

Kaya ba hindi niya napapahalagahan ang presence ko kasi lagi naman akong nandyan? Na confident syang hindi ko sya iiwan?



*nyahahahahahahaha*

From: NewFriend.Jairus

Message: Shar, hope you're doing fine! Pwede ba kitang i-invite sa youth camp namin sa church?

To: NewFriend.Jairus

Message: Sorry Jai!! Next time promise!

Laging iyon ang sinasabi ko kapag inaaya niya ko.

From: NewFriend.Jairus

Message: I understand. I'll pray for you! I hope you'll be healed so soon. Kung kailangan mo ng kaibigan alam mo na yun! Tawag ka lang sakin.

Grabe! Ang swerte swerte ko dito sa bago kong kaibigan. Ako lang tong isang malaking disappointment eh!

Maya maya ay biglang kumatok si Ate..

"Sis, pwedeng pumasok?"

"Bukas yan ate!"

Pumasok naman si ate Miles at biglang itinapon ang sarili sa kama ko.

"Nakakailang timbang luha ka na?" Nang aasar na tanong niya.

"Ate naman eh..." Nag pout ako at bigla na namang natulala.

Pero niyakap ako ni ate.

"Sis, alam mo kahit naman ako nasasayangan sa friendship nyo ni Nash. Pero hindi ako tumitigil umasang balang araw makita niya na mahalaga ka rin, na sya naman yung maging kaibigan para sayo... Pero tama na ang pag-iyak, nasasayang yung panahon eh. You're too young.."

"Ate, sa tingin mo kahit pano minahal na rin ako ni Nash?"

Umaasa akong sabihin ni ate na OO. Minahal niya rin ako kahit pano.

"Hindi ka naman mahirap mahalin eh! Sigurado ako na minahal ka niya kahit pa bilang kaibigan. Sure yun."

Medyo lumuwag naman ang dibdib ko.

"Ate, possible ka bang magmahal sa isang tao kahit kaka-kilala mo pa lang sa kanya?"

"Si Jairus ba ito????? Uyyyy..." At biglang tumili si ate na para bang kilig na kilig.

"Ate naman eh!"

"Panong kaka-kilala pa lang? Hello! Kasabayan lang din naman ni Nash si Jai, 1st year high school mo sila nakilala. Pareho mo silang nakasama sa loob ng 3 years. Feeling mo lang yun! Kasi puro kay Nash ang atensyon mo noon!"

"Nahihiya ako kay Jairus eh, lagi syang nandyan for me. Samantalang ako hindi ko matulungan ang sarili ko."

"Kaya nga umayos ka na! Wag mo nang iyakan ang maling tao. Maging Masaya ka na lang sa mga taong tunay na nagmamahal sayo!"

She rolled her eyes dahil botong boto sya kay Jairus. Bakit hindi? Text kasi ng text at tawag ng tawag sa landline namin. Minsan nga sila na ni ate Miles ang nag-uusap eh. Nagulat nga ako one time, aba! Sila ang magka-chikahan!

"Bakit kaya nararanasan ko lahat ng to?"

"Learning experiences lahat yan Shar, Every heartbreak is an opportunity to shake you or shape you. It is for you to decide which way it will go!"

Tama si ate! I need to decide now!

Siguro, gagamitin ko ang buong summer vacation as my training ground, para pag 4th year na ko, mas magiging matatag na ko kaysa dati.

"Tara sa labas ate, kain tayo ng kwek kwek!"

"Ay gusto ko yan! Libre mo ko ha!"

And for the very first time, lumabas ako ng kwarto ko ngayong bakasyon. Dalawang linggo rin pala ang nasayang ko. Buti na lang I still have time to catch up.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon