1 John 4:18 There is no fear in love; instead, perfect love casts out fear, because fear involves punishment. So the one who fears has not reached perfection in love.
*riiinnggggg, riiinnnnngggg* (Landline nila Shar...)
Sakto naman na nasa sala si Ate Miles at sinagot niya yung phone. Nandito kasi ako sa kusina ngayon, naghuhugas ng plates. Kakatapos lang naman namin mag-lunch ni ate.
"Hello! Sino to?"
Bigla namang napatili si ate. "Ayyyyee. Ikaw pala! Mataas na ba ang phone bill nyo kakatawag samin?"
Sino kaya ang kausap ni ate? Joke!
Nakangiti ako dahil alam ko naman na si Jai yun! Araw araw ba namang tumatawag eh.
"Naku ha! Dapat ilibre mo ko o kaya dapat may pasalubong ako pag balik mo!" sabi ni ate. Naririnig ko syang nakikipag usap kay Jai. Binilisan ko naman ang paghuhugas ng pinggan at nang makausap ko na sya.
At bakit kaya nanghihingi ng pasalubong si ate. Aalis kaya sila Jai?
"Oo! Ok na ok naman sya! Di na sya nagmumukmok" sabi ulit ni ate. Feeling ko ako na naman ang pinag-uusapan nila.
"Oo naman noh! Ikaw pa! Malakas ka sakin! Akong bahala sayo!!!!" sabi ni ate and she giggles. Natapos na ko at pumunta na ko sa sala.
"Oh eto na sya...." binigay sakin ni ate yung phone.
"Umayos ka nga ate!" sabi ko bago ko sagutin yung phone. "Huy!" sabi ko kay Jairus.
"Hello! Napagod ka ba sa paghuhugas ng pinggan?"
"Hindi naman. Iilang piraso lang naman yung hinugasan ko, pinagkainan lang naming dalawa ni ate. Oh bakit ka na naman tumawag." Tanong ko sa kanya na kunwari ay sawang sawa na kong kausapin sya. Pero ang totoo, kilig to the bones *_*
"Gusto ko lang kasing magpaalam, sasama ako kay kuya Marco sa leadership training niya sa Bacolod. Bukas na ang alis namin."
Grabe napaka busy nitong lalaking to sa mga church activities.
"Bukas? Mga ilang araw naman kayo dun?" parang nalungkot naman ako na aalis na naman to. Balak kasi ng barkada na manood ng movie eh.
"Two days lang po. Mamimiss mo na naman ako!!"
"At pano ka naman nakasigurado?" nakangiting tanong ko.
"Shar, ramdam na ramdam ko naman eh! Wag ka nang magdeny!"
"Uyyy.." nanunukso na naman si ate at siguro narinig ni Jai sa kabilang linya.
"Tingnan mo, pati si ate Miles nag aagree na mamimiss mo ko! Kasi ako mamimiss kita.."
Hala! Nanliligaw nga ba sya? Wala naman syang sinasabi eh. Siguro dapat na kong humingi ng payo kila Mika, Alexa and Sophia. Ayokong manghingi ng suggestion dito kay ate Miles, napaka bias nito. Pro-Jairus kaya to!
"Hello?? Hello?? Shar, nandyan ka pa ba?" sabi niya sa kabilang linya.
"Jai. Tatawagan na lang kita mamaya ha! May importante pala kaming pag uusapan ni Sophia."
Umakyat ako sa room ko para di marinig ni ate yung mga sasabihin ko sa friends ko. Iniwan ko syang naglalaptop at nakikipag video chat sa best friend niyang si ate Kath.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You **Under Editing**
Fanfiction"Sharlene, aaminin ko na sayo. I've been in love a million times. First was when I saw you, and the rest was everytime I look at you." - Jairus