SHARLENE
“Shar, pabalik na sila Paul and Mika from Japan. Magdidiner daw tayo bukas.” Kausap ko si Sophia ngayon sa landline. I miss our high school days kung saan kami talaga ni Sophie ang todo telebabad kaka-kwentuhan.
“Pupunta raw ba sila Jai and Nash?”
“Oo naman. Si Paul ang nagpareserve sa restaurant eh, pumunta ka ha kundi talagang magtatampo rin ako sayo. Pabalik na kami ni My Labs sa Australia next week, marami pa kaming commitments dun.”
Nalulungkot na naman ako, separation anxiety na naman to.
“Aalis na ulit kayo. Pati si Jai aalis na naman! Lahat na lang kayo...”
“Hay naku sana naman matauhan na yung si Jairus. Basta ha! I’ll see you tomorrow.”
“Ok Sophie... See you... Bye!”
After namin mag-usap ni Sophia ay dumiretso na ko sa room ko.
Gusto ko na rin talagang magka-ayos kami nila Jai at Nash. Ayoko na ng sumbatan, ayoko nang ungkatin kung sino ang mas nakasakit, sino ang nauna, sino ang mas masama ang ginawa. Hindi naman kami pare-parehong masaya ng ganito.
Namimiss ko na si Nash.
Nakakamiss yung bonding namin, yung tatambay sila dito sa bahay ni Alexa o kaya dun kami sa kanila tapos magja-jamming. Si Alexa ang singer namin tapos kami ang mag-gigitara.
I remember those times na nagkakalabuan na silang Perfect Match, halos maglumuhod ako kay Alexa basta bigyan lang nya ng isa pang chance si bestfriend. Buti na lang talagang soft hearted si Alexa kaya tinanggap niya pa rin si Nash.
At etong si Jai...
Alam ko namang mahal na mahal ako ng kumag na to!
Marami kaming masasakit at mahihirap na pinagdaanan pero dahil sa pagmamahal namin sa isa’t isa alam kong mapagtatagumpayan din namin to.
Binuklat ko ulit yung photo album na binigay sakin ni Sheree nung unang nagkita kami.
Pictures naming tatlo na magkakasama kahit photoshopped lang.
Meron kaming mga pictures na parang totoong magkasama kami. Hindi na ko umiiyak ngayon. Wala na sigurong luha ang natira.
Buong araw akong naburyong sa bahay. Pero nakatulong talaga ang pagli-leave ko na to sa work, at least I am restored and finally, natanggap ko na rin na aalis na naman sya.
“Surrpppprrriisssseeee!!!!!!” biglang binuksan ni ate Miles ang kwarto ko.
Iniabot nya sakin yung mga pasalubong nya galing ng Batangas.
“Oh? May problema ba?” tanong niya habang binubuksan yung buko pie na uwi niya.
“Alam na ni Jai ang totoo na hindi ko boyfriend si Francis at nagalit sya sakin, pati si Nash, galit na galit.”
Nagpout naman si ate.
“Talaga? Tsk! So ano, nakapag-usap na ba kayo ulit?”
Umiling lang ako. “Baka bukas pa lang, sa dinner ng barkada namin.”
“Kumain ka na lang! Magkakabati rin kayo...”
“Kelan pa? Eh balak na naman umalis ni Jairus. Babalik daw sya ng Canada, dun daw sya magpapalamig ng ulo.”
BINABASA MO ANG
Let Me Love You **Under Editing**
Fiksi Penggemar"Sharlene, aaminin ko na sayo. I've been in love a million times. First was when I saw you, and the rest was everytime I look at you." - Jairus