This Is It!

3.9K 85 12
                                    

a/n:

hi loves! kainis ang luv u .

Walang JaiLene MOMENTS.

Kaya eto na! eto na talaga!

This is really really is it!!! Enjoy!

===================================

JAIRUS

Nandito ko ngayon sa opisina ni kuya Marco at nakakailang tawag na si Sheree sa cellphone ko. Pero hindi ko sinasagot, napakakulit kasi eh.

Sinabi ko nang babalik kami sa Canada pero hindi ako tinatantanan.

Maya maya pa ay nag ring na naman ang cp ko. I'm relieved to see Kobi's name appeared on my phone. At least hindi ang makulit na bata.

"Kobi..."

"Dude! Nasan ka na ba? Ikaw na lang ang hinihintay namin! Pwedeng wag pa-importante? Di makapagsimula ang bachelor's party, ikaw na lang ang hinihintay namin!"

"Nasaan na ba kayo?"

"Nandito na sa HBO! Pumunta ka na dito dude! Bilisan mo na."

"Ok, I'm on my way."

Siguro nga I need to take a break. I'm on my way to HBO bar. Bachelor's Party ni Paul, huling gabi na niya sa pagiging single so we decided to go out and have a little fun.

Pagka-dating ko sa HBO, tinext ko si mommy para patulugin na ang anak ko. Aabay pa naman sya bukas.

"Dude! You're finally here..." sabi nila Kobi na mukhang nakainom na.

Nandito rin sila Nash at syempre si Paul at ilang mga ka-trabaho niyang lalaki to have some wine and to mingle with the sexy girls na ewan ko kung saan galing. Bawal magsalita ng hindi maganda.

"Paul, bakit may mga ganyan?" bulong ko kay Paul sabay turo sa mga babaeng naka-two piece na gumiling giling.

"Ewan ko nga dito kay Kobi eh. Sya pasimuno nito! Hayaan mo na, harmless naman yang mga yan!"

"Dude! Wag ka ngang KJ. They're just here to entertain us.." ligalig na sabi ni Kobi.

"Entertain na ganyan ang suot habang sumasayaw sayaw?" tanong ko sakaniya!

"Jai, you're so serious pare! Hayaan mo na. Uminom na lang tayo!" sabi ni Paul na sabay abot ng baso sakin.

Umupo na lang ako sa tabi ni Nash na mukhang kausap sa phone si Alexa.

"Ok match! Ingat kayo dyan ha! See you tomorrow... yes po... opo promise behave lang ako.. i love you too..." sabi niya before he hung up the phone.

Nakipag toss lang sya ng wine.

"Bakit ka nakasimangot?" tanong nya sakin.

"Di ako comfortable ng may mga show girls dito! Si Sharlene nga pinagalitan ko nung magsuot ng ganyan eh!" sabi ko. Tapos napangiti na lang ako nang maalala yun. Ang sexy niya talaga nun.

"Sus. Namimiss mo na si bestfriend no?" tanong ni Nash.

"Kung alam mo lang!" sagot ko, sabay nilagok ang wine sa baso ko tapos nagsalin pa ko ng isa pa.

"Alam mo bro, hindi ako naniniwala na seryoso si Sharlene sa boyfriend niya! Kundi nga lang dahil kay Sharlene, matagal ko nang binugbug yung pamangkin ng Francis na yun eh, nililigawan ang kapatid ko."

Napakunot ang noo ko.

"Bro, sya na nagsabi na masaya daw sya dun eh. Anong magagawa ko kung ayaw na niya sakin?"

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon