Early in the morning, sinamahan ko si Nash para makiusap kay PS.
Nandito kami ngayon sa Principal’s office.
“Alam mo ba kung bakit ginagawa ko sa iyo ang pagdidisiplinang ito Mr. Aguas?”
Mahinahong tanong ni PS.
“Opo PS. Alam ko naman pong nagkamali ako.” Sagot naman ni Nash.
“Hindi lang yun Mr. Aguas! You were once the pride of our school. Marami ka rin namang naitulong para magbigay karangalan sa school natin. Hindi man kita kayang ibalik sa basketball team, pero I will consider giving you special test to cope with your grades.”
Masaya naman akong nakisali sa kanila.
“Excuse me po PS. Maraming salamat po sa chance na binigay nyo kay Nash. Tutulungan ko po sya para makapasa sa special test na ibibigay nyo sa kanya.”
Nagtinginan kami ni Nash at parehong ngumiti.
“Maswerte ka Mr. Aguas at nagkaroon ka ng isang kaibigan na katulad ni Ms. San Pedro. Sige bibigyan ko kayo ng one week para mag-aral, at kakausapin ko lahat ng teachers na may bagsak ka Nash para sila ang magbigay ng special test.”
“Maraming maraming salamat po PS!”
Masaya kaming lumabas sa office ni PS.
“Sige Nash, mauna ka nang umakyat sa room. Magc-cr lang ako.”
“Ok Shar, sunod ka na ha!”
I went to the loo and had a major retouch. Syempre magkikita na kami ni Jai at bati na kami kaya dapat katanggap tanggap naman ang itsura ko. Hehehheheh.
After mag retouch, nakita ko naman si Jai na may mga kausap na naman na mga girls. Syempre mga fans niya sa basketball.
Lumapit ako sa kanila at nung tiningnan niya ko, Eeeeehhhhh. RELAX SHAR! Kumalma ka lang!!!
“Good morning Shar!” nakangiting bati sakin ni Jai.
Bigla namang nanukso ang mga fans niya at nakakahiya kasi alam kong namumula na ko.
“Jai, tara na! Baka malate tayo!”
Nagpaalam na kami sa mga fans niya. Nakakatawa talaga yung mga yun!
“Jai.. Bati na kami ni Nash!” masayang sabi ko.
Tapos bigla namang nawala ang mga ngiti niya.
“Talaga? Paano?”
“Kwento ko sayo mamayang lunch!”
Pagpasok namin ng classroom, nakita kong masayang nag uusap sila ALexa at Nash. Tapos sila Mika, Paul, Kobi at Sophia ay nanunukso samin.
“Bati na silaaaa...”
Nakangiti lang ako. Pero ito namang si Jairus matipid na ngiti lang tapos straight face na ulit.
Magkatabi kaming naupo at sobrang saya ko. I can talk to him whenever I want to at di ko na sya kailangang Iignore. Alam nyo bang nahirapan din ako sa pagdeadma sa kaniya?
“Shar, sama ka samin mamayang after class ni kuya Marco, mag go-golf kami.”
BINABASA MO ANG
Let Me Love You **Under Editing**
Fanfiction"Sharlene, aaminin ko na sayo. I've been in love a million times. First was when I saw you, and the rest was everytime I look at you." - Jairus