Author's Note:
Hi lovies! Super sorry sa matagal na UD. Busy kasi sa work eh. Thank you very much sa paghihintay..
===============================================================
Jai’s POV
Nanonood ako ng dvd sa sala. Di ko naman naiintindihan tong pinapanood kong 500 Days of Summer dahil pre-occupied pa ko sa sinabi ng mom ni Sharlene na ang gusto nya para kay Shar ay halos i-describe si Nash. Tapos close na close pa ang mommy nila.
Buti na lang mabait si ate Miles, naramdaman ko naman ang support niya sa pagmamahal ko kay Shar. Buti pa si ate Miles naramdaman nyang mahal ko ang kapatid niya, samantalang etong si Shar ewan ko na lang..
Puro si Nash na lang ang bukambibig sa tuwing magkausap kami sa phone. Kapag naman tinetext ko busyng busy sya kaya puro goodnight na lang ang text back niya.
Ayoko mang aminin pero talagang naiinggit ako kay Nash.
Kung tutuusin nga kapag niligawan ni Nash si Shar ay magiging madali ang lahat para sa kanya. Botong boto si tita My sa kanya at malaki na talaga ang papel nya sa buhay ni Shar.
Hindi ko alam kung may nararamdaman pa rin si Shar para sa kanya. Pero ang alam ko lang ay nawawalan na sya ng time para sakin, samin ng barkada.
Minsan nga nag-aral akong magbake ng cupcake para sa kanya pero nung ibibigay ko na, sabi niya busog daw sya dahil kumain daw sila ni Nash ng lugaw at kwek kwek sa labas ng school kaya ang ending sila Kobi at Sophia na lang ang nag-enjoy sa cupcake na binake ko para sa kanya.
Tuwing practice ng basketball, tinutukso pa rin ako ng mga team mates ko sa pagpapaka-torpe kay Shar. Minsan nga may isang 2nd year student ang biglang pumasok sa boys locker area para lang ibigay sakin yung sulat niya to confess her feelings at lalo naman akong tinukso nila Mak, Andrei, Cj and Jerome. Sila yung kausap ko nung narinig ni Shar na sinabi kong hindi ko sya nililigawan.
Kapag discussion sa klase, nagrerecite ako ng bonggang bongga. Lahat ng tanong ng mga teachers sagot ako ng sagot. Yun din kasi ang tactic ni Nash para maipakita sa mga teachers namin na seryoso na sya sa pag-aaral this time. Yung mga tingin nga na binibigay sakin ng barkada ang weird eh.
Gusto ko kasing mapansin ni Shar.
Pero eto namang si Alexa, NAPAKA KONTRABIDA.
“Hoy! What do you think you are doing?” sabi niya sakin after ng History class namin at naghihintay kami for our next teacher.
“What? Nagre-recite lang naman ako? Anong masama dun?” inosenteng sagot ko.
Tinaasan niya ko ng kilay at nakapamewang sya. Eto na naman ang dakilang nagger na kaibigan ko.
“JAIRUS, ALAM KO YANG GINAGAWA MO. KINUKUMPETENSYA MO SI NASH SA PAGRERECITE DAHIL NAGPAPAPANSIN KA KAY SHAR DAHIL NAGSESELOS KA!” Mahinang sabi niya, buti na lang kaming dalawa lang ang nakarinig dahil nag cr sila Shar.
“Ah eh.. Hindi ah! Bakit naman ako magpapansin kay Shar, FYI magkatext kaya kami lagi..” Medyo nag statter ako dun ah!
“Talaga lang ha!” sabi niya.
I scratched my head as a sign of irritation.
“Bakit ikaw Alex, hindi ka ba nagseselos?” tanong ko sa kanya. Curious din kasi ko kung bakit hindi sya nagseselos eh malakas ang tama nya kay Nash.
“Hindi! Alam mo kung bakit? Kasi po may tiwala ako kay Shar!” mataray na sabi niya.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You **Under Editing**
Fanfiction"Sharlene, aaminin ko na sayo. I've been in love a million times. First was when I saw you, and the rest was everytime I look at you." - Jairus